sakit


sa·kít

png |Med
1:
[Hil Ilk Kap Mag Mrw Pan Seb Tag Tau War] hindi kanais-nais na pakiramdam bunga ng pagkasirà ng metabolismo ng katawan, sakuna, o mga katulad : BALINGTAMÁD2, BÁNNI, BÍSA1, GÁNYIT, ILLNESS, INYÉN, KARAMDÁMAN, SAMÚYENG, SICKNESS Cf NAKÍT — pnr ma·sa·kít
2:
[Hil Ilk Kap Mag Mrw Seb Tag War] kondisyon ng organ, bahagi, estruktura, o sistema ng katawan na may hindi tamang funsiyon mula sa epekto ng minanang katangian, impeksiyon, pagkain, o kaligiran : BALATÍAN, BALINGTAMÁD2, BARATIYÓN, DÁKTAT, DISEASE1, GÁNYIT, HÍLANG2, ILLNESS, INÁGEM, KARAMDÁMAN, SICKNESS, TÁGI3

sá·kit

png
1:
pag·pa·pa·ka·sá·kit matiyagang pagtitiis upang makamit ang isang pangarap o hangarin : PÁGAL2, PAGPAPAKAHÍRAP, TÍHIL
2:
pagdamay sa damdamin ng kapuwa : TÍHIL