tagi
tá·gi
png
1:
pagkalap ng mga tao upang lumusong sa isang gawain
2:
pamamahagi ng gawain sa mga nakahandang gumawâ
3:
Med
[Iba]
sakít2
ta·gi·á·mo
png |[ ST ]
1:
yerba na ginagamit sa pangkukulam
2:
bagay na nakagiginhawa.
ta·gi·báng
pnr
:
hindi pantay o hindi timbang ang magkabilâng panig o gilíd, gaya ng tagibáng na sasakyan : TAGILÍD2
ta·gí·bas
png |[ ST ]
:
paglakad nang mabilis mula dito patungo sa ibang bahagi.
ta·gi·bú·lag
png |[ ST ]
1:
yerba na pinaniniwalaang maaaring gamitin upang mawala sa paningin ang isang tao
2:
paglalaro gamit ang mga kamay na tinatakpan ang mga mata
3:
paglalaho sa paningin.
ta·gi·hum·hóm
png
1:
tao na nahihiyâng magsalita
2:
kalagayan na hindi makapagsalita sanhi ng makapal na usok o singaw.
tá·gik
png
1:
balangkat para sa nabali na butó
2:
Lit
paghábi ng kuwento.
ta·gik·tík
png
1:
tunog katulad ng palò ng latigo
2:
banayad ngunit matalim na tunog ng sunod-sunod na patak.
ta·gi·lab·sô
png
:
silò na humihigpit kapag hinigit sa dulong nakapugal.
ta·gí·lar
png |Bot |[ ST ]
:
sakate na nakasusugat.
ta·gi·la·sík
pnr |[ ST ]
:
mabilis gumawa ng isang bagay.
ta·gi·la·yíw
png |Med |[ ST ]
:
isang uri ng sakít dulot ng pag-iisa na maaa-ring magtúngo sa pagkasira ng utak.
ta·gi·líd
pnr |[ ta+gilid ]
1:
nakahilig o hindi tuwid ang pagkakatayô : PALÍNG
2:
3:
nása gilid o panganib.
ta·gí·lid
pnd |[ Bik Kap Tag ]
1:
ihilig o humilig
2:
malagay sa panganib — pnr ta·gi·líd.
ta·gi·lí·ran
png |Ana Bio |[ ta+gílid+an ]
ta·gi·ló
png |[ ST ]
1:
ta·gi·lu·báy
png |Bot
:
yerbang pinaniniwalaang nakakapagpalimot ng gálit.
ta·gim·tím
png |[ ST ]
1:
kasiya-siyang gaan ng kalooban matapos gumawâ ng kabutihan
2:
tagas ng tubig o ibang likido mula sa maliliit na bútas
3:
varyant ng taimtím.
ta·gín
png |[ ST ]
:
isang laro sa trumpo.
tá·gin
png
1:
lubid na may maluwag na silò na ginagamit sa paghúli ng áso
2:
pagdaraya sa sugal sa baraha
3:
laro sa trumpo.
ta·gi·ník
pnr |[ ST ]
:
malinaw at malakas na tinig.
ta·gin·tíng
png |[ Bik Hil Seb Tag War ]
1:
tunog na nalilikha ng nagpipingkiang metal, porselana, at iba pa Cf KALANSÍNG
2:
tinig na matarling.
ta·gi·pán
png |Bot |[ ST ]
:
isang uri ng palma.
ta·gi·pá·no
png
:
pansín2 o pagpansin.
ta·gi·pás
png
:
pagputol sa dulo ng isang haláman o punongkahoy.
ta·gi·píd
png |Ntk |[ Ilk ]
:
tabla sa mag-kabilâng gilid ng bangkâ na pangharang sa talsik ng tubig.
ta·gi·pós
png
:
tuyông troso o kahoy na malambot at madalîng maging abó kapag sinunog.
ta·gís
pnd |i·ta·gís, mag·ta·gís, tu·ma· gís
:
maghasa o hasain.
ta·gi·sa·mà
png |[ ST ]
:
kúlam upang linlangin ang ibang tao.
tá·gí·sang-lá·win
png |Zoo
ta·gi·sí
png |Bot
:
pangkalahatang tawag sa mga kawayang gubat, tulad ng tambo, bikal, at bukawe.
ta·gí·so
png |[ ST ]
:
pagpapatuyo ng palay sa init ng araw.
ta·gi·su·yò
png
1:
pagiging labis na masunurin o matapat
2:
regalong ibinibigay upang makahingi ng pabor.
ta·gis·wák
png
:
tunog ng biglang pagpunit o pagkapunit ng tela.