salag


sa·lág

png |Isp
:
sa eskrima, pagsangga sa ulos.

sá·lag

png
1:
[ST] trabaho ng komadrona
2:
[Bik Hil Mrw Seb War] púgad

sa·lag·bó

png
1:
pagkulo ng tubig dahil sa init

sa·lag·ha·tì

png
:
ang kirót sa dibdib dahil sa samâ ng loob var salakhatì

sa·la·gim·sím

png |[ Kap Tag ]
:
varyant ng sagimsím.

sa·lá·gin·tô

png |Zoo
:
alinman sa mga uwang (Metriona bicolor ) na tíla ginto ang kináng ng katawan at lungti ang labas na pakpak : ANGÚRING, BÁGANG, GIGINTÔ, LABÓG-LABÓG2, LAGURÍNG, SAMMÍSAMIMÍ

sa·la·gíp

pnr
:
nasaló o nasagip mula sa pagkahulog.

sa·la·gí·sub

png |Bot |[ Bik ]
:
uri ng malakíng pakô.

sa·la·gó

png |Bot
:
palumpong (Wikstroemia ovata ) na may malápad at matigas na balakbak, hugis itlog na dahon, maliit na dilaw na bulaklak, at mapag-kukuhanan ng resin at langis ang dahon : ARADÓN

sa·lag-óy

png |[ ST ]
1:
pagpútol ng sakate
2:
tao na walang nakakapigil.

sa·la·góy

png
:
marahang hipo o galaw : DÍWIT, DÚKIT4, DÚTDOT, HÍKAP4, SALÁNG1, SALÍNG2

sa·lag·ság

png |sa·lag·sa·gin, su·ma·lag·ság |[ ST ]

sa·lag·sáy

png |[ ST ]
:
pagpigil sa isang tao sa kaniyang nais gawin.

sa·la·gú·bang

png |Zoo
:
kulisap na mapanirà ng dahon ng haláman.

sa·la·gu·má

png
:
paghahalinhinan sa pagtatanghal.

sa·la·gu·mà

png
:
pag-uumpukan o pagtitipon ng mga tao.

sa·lá·gun·tíng

png
1:
Zoo uri ng tipaklong na parang gunting ang anyo
2:
Kar tungko ng tatlong poste na sinasabitan ng pansalok, pambuhat, at iba pang mekanismo
3:
Kar [Hil Seb] tahílan