tanghal


tang·hál

png
1:
pag·ta·tang·hál pagpapakíta o paglalantad ng mga bagay, gawâ, o pangyayaring may angking katangian o kahalagahan : ÉKSIBISYÓN, EXHIBITION, ÉKSPOSISYÓN1, LABÁS3, PRESENTASYÓN1
2:
pag·ta·tang·hál pagpapalabas ng pelikula, dula, o drama : ÉKSIBISYÓN, EXHIBITION, ÉKSPOSISYÓN1, LABÁS3, PRESENTASYÓN1
3:
pag·ta·tang·hál Bat paghaharap o pagpapakita : ÉKSIBISYÓN, EXHIBITION, ÉKSPOSISYÓN1, LABÁS3, PRESENTASYÓN1 — pnd i·tang·hál, mag·tang·hál
4:
Zoo [Ifu] bulugang baboy na batà pa.

tang·há·lan

png |[ tanghál+an ]
:
pook o gusali na pinagdadausan ng anumang pagdiriwang o pagtatanghal Cf TEÁTRO, ENTABLÁDO

tang·ha·lì

png
1:
kalagitnaan ng maghapon o ang panahon sa isang araw sa pagitan ng umaga at hapon : ÁLDAW, MATÓON, MÉDYODÍYA, NOON, ÓDTO, PALÍS4, ÚDTO, ÚDTU, ÚGTO
2:
kalagitnaan ng búhay, paglalakbay, usapan, at anumang kalagayang sinukat sa pamamagitan ng panahon.

tang·ha·lí·an

png |[ tanghalì+an ]
:
pagkaing inihahanda at kinakain sa tanghalì : LUNCH, LUNCHEON1, PAMÁHAW2, PANANGHALÍAN

tang·há·ling-ta·pát

png |[ tanghal+na tapát ]
:
yugto sa maghapon na ang araw ay nása tuktok ng ulo : HIGH NOON, KATANGHALÍANG-TAPÁT, NOONDAY