tayu
ta·yu·bák
png |Zoo
:
ibon na kulay lungti at may dilaw na tukâ.
ta·yú·bay
png |[ ST ]
:
pagtatapa ng karne o isda nang hindi nilalagyan ng asin.
ta·yú·kan
png |[ ST ]
:
isang uri ng sisidlan.
ta·yú·kod
png |[ ST ]
:
pansungkit o pangkahig na tíla tenedor ang hugis ng dulo na may dalawang tulis.
ta·yuk·tóg
png |Zoo |[ ST ]
:
gulugod ng hayop.
ta·yuk·tók
png |[ ST ]
:
karurukan ng pagkayamot o pagkabagot.
ta·yúm
png |Zoo |[ Kuy ]
:
salúngo na maliit ang lamán.
ta·yu·mán
png |[ táyom+an ]
1:
sisidlan na kinulayan gamit ang indigo
2:
pook na maraming tanim na tayom.
ta·yung·kód
pnd |ma·na·yung·kód, tu·ma·yung·kód |[ ST ]
:
sumandal sa tungkod.
ta·yú·ngo
png |Bot |[ ST ]
:
uri ng tambô.
ta·yun·tóng
png
:
taluktok ng alon.
ta·yú·tay
png
1:
Lit
pahayag na gumagamit ng mga salita sa isang di-pangkaraniwan o hindi literal na paraan upang mapaigting ang bisà ng kahulugan : FIGURE OF SPEECH,
LARÔ-SA-SALITÂ
2:
Lit Mus
alegorikong awit na may tugma at súkat ang titik.
ta·yu·tô
pnr
:
sa kahoy, gapô o gapók.
ta·yú·to
png |Bot |[ ST ]
:
uri ng yerba.
ta·yu·wa·nák
png |tay·wa·nák Bot
:
uri ng kawayang walang tinik.