katagpo


ka·tag·pô

png |[ ka+ tagpo ]
1:
tao na inaasahang makíta sa napagkasun-duang tipánan at oras
2:
Bot punongkahoy (Ardisia squamulosa ) na tumataas nang 10 m, kurbado ang maliliit na sanga, may pink o mamutî-mutîng bulaklak, bilóg at murado ang bunga, at may salít-salít na mga dahong ginagamit na pampalasa sa lutuin at lunas sa sugat : koleng, mulang, pataktul, tagpô4, tatípu, tayúpo

ka·tag·pông-gú·bat

png |Bot |[ ka+tagpo +ng gubat ]
:
palumpong (Psycho tria luconiensis ) na tumataas nang 5 m, makinis at biluhabâ ang da-hon, putî ang bulaklak, at may dilaw na bungang malamán.