term
ter·mál
png |[ Esp ]
:
tumataas na daloy ng mainit na hangin, karaniwang ginagamit sa mga lóbo : THERMAL
tér·mi·nál
pnr |[ Ing ]
1:
sa sakít, malubha, o nakamamatay ; o ang hulíng panahon o baitang ng nakamamatay na sakít
2:
ukol sa o bumubuo ng hanggahan, limitasyon, o himpilan
3:
tér·mi·nál
png |[ Ing ]
1:
pangwakas sa isang bagay Cf DÚLO
2:
himpilan o estasyon ng tren o bus
3:
punto ng koneksiyon sa pagsasará ng sirkito ng koryente.
tér·mi·nó
png |[ Esp ]
1:
salitâng ginagamit sa pagpapahayag ng isang tiyak na konsepto, lalo na sa isang partikular na sangay ng pag-aaral at iba pa : TERM
2:
wikang ginagamit ; paraan ng pagpapahayag : TERM
4:
kondisyon o presyo sa isang negosasyong pangnegosyo o pagbibilihan : TERM
5:
itinakdang panahon para sa isang gawain : TERM
tér·mi·nús
png |[ Ing ]
1:
estasyon sa dulo ng isang riles o ruta ng bus
2:
punto sa dulo ng linya ng túbo, at iba pa
3:
ang hulíng punto
4:
simulang punto
5:
Mat
ang hulíng point ng isang vector.
tér·mo·mét·ro
png |[ Esp ]
:
instrumento sa pagsukat ng temperatura sa pamamagitan ng isang substance na nagbibigay ng tumpak na súkat sa pamamagitan ng pagtaas at pagbabâ nitó sa loob ng iba’t ibang antas ng init at lamig : THERMOMETER
tér·mos
png |[ Ing thermos ]
:
botelya na may vacuum sa paligid upang mapanatili ang init o lamig ng nilalamáng likido : TÉRMO,
THERMOS,
VACUUM BOTTLE