uni


uni- (yú·ni)

pnl |[ Ing ]
:
pambuo ng pang-uri, nangangahulugang binubuo ng isa, hal unilateral, universal.

ú·ni

png |[ Ilk ]

ú·ni

pnb |[ Bik ]

u·ni·ber·sál

pnr |[ Esp universal ]
:
hinggil sa o may katangian ng uniberso : UNIVERSAL

u·ni·ber·sa·lí·dad

pnr |[ Esp universalidad ]
:
pagiging unibersal : KALÚKPANÁN, UNIVERSALITY

u·ni·ber·sa·lís·mo

png |[ Esp universalismo ]
1:
katangiang unibersal : UNIVERSALISM
2:
unibersal na saklaw ng kaalaman, interes, o gawain : UNIVERSALISM
3:
doktrina na maliligtas ang lahat at dadalhin sa kabanalan ng Diyos : UNIVERSALISM

u·ni·bér·si·dád

png |[ Esp universidad ]
:
institusyon ng kaalaman sa pinakamataas na antas, may kolehiyo ng agham at sining, programang gradwado, at propesyonal : PAMANTÁSAN, UNIVERSITY, VARSITY2

u·ni·ber·si·tár·ya

png |[ Esp universitaria ]
:
kolehiyála, u·ni·ber·si·tár·yo kung laláki.

u·ni·bér·so

png |[ Esp universo ]
1:
ang kabuuan ng hayág at inaakalang mga bagay at pangyayári ; lahat ng umiiral na bagay, kabílang ang mundo, mga nilaláng dito, at mga lawas pangkalawakan : KALUPAÁN, MAKROKÓSMO1, SANGMALIWÁNAG, SANLIBUTÁN, SANSINÚKOB, SANTINAKPÁN, UNIVERSE
2:
ang mundo, lalo na ang sangkatauhan
3:
mundo o espero na iniiralan at pinamamayanihan ng isang bagay.

unicameral (yú·ni·ká·me·rál)

pnr |[ Ing ]
:
binubuo ng isang lehislatibong kamara.

UNICEF (yú·ni·séf, yu en ay si i ef)

daglat |[ Ing ]
:
United Nations Children’s Fund.

unicellular (yú·ni·sél·yu·lár)

pnr |Bio |[ Ing ]
:
binubuo ng isang cell, gaya ng protozoa : ACELLULAR2

unicorn (yú·ni·kórn)

png |Mit |[ Ing ]
:
hayop na inilalarawang kabayo at may isang sungay sa noo, at pinaniniwalaang nakagagamot at may pambihirang katangian.

unicornfish (yú·ni·kórn·fish)

png |Zoo |[ Ing ]

u·ni·dád

png |Lit Tro |[ Esp ]

Unidentified Flying Object (an·ay·den·ti·fayd fla·ying ob·jek)

png |[ Ing ]
:
misteryosong bagay na nakikíta sa kalawakan Cf UFO

UNIDO (yu·ní·do, yu en ay di o)

daglat |[ Ing ]
:
United Nations Industrial Development Organization.

uniform (yú·ni·fórm)

png pnr |[ Ing ]

uniformity (yú·ni·fór·mi·tí)

png |[ Ing ]

ú·ni·kó

pnr |[ Esp unico ]

unilateral (u·ni·la·te·rál, yú·ni·lá·te·rál)

pnr |[ Esp Ing ]
1:
may kaugnayan sa isang gilid o panig
2:
may isang gilid lámang na pinapanigan
3:
tumutukoy o bumabagtas sa isang gilid
4:
nakaaapekto sa panig ng isang partido o pangkat
5:
ginawâ o isinakatuparan ng isang panig lámang
6:
Bat ukol sa kontrata na mangangako ang isang panig kapalit ng aksiyon ng kabilâng panig.

u·ní·ngat

png |Bot |[ Ilk ]

union (yún·yon)

png |[ Ing ]
2:
Mat set na binubuo ng mga elemento na dapat kabílang sa kahit isa sa dalawa o higit pang hatag na set.

unionist (yún·yo·níst)

png |[ Ing ]

Union of Soviet Socialist Republics (yún·yon ov sóv·yet sów·sya·líst re·páb·liks)

png |Heg |[ Ing ]
:
dáting unyong federal ng labinlimang republika sa Silangang Europa at kanluran at timog Asia na bumuo sa malakíng bahagi ng dáting emperyong Ruso ; nabuwag noong Disyembre 1991 : RUSSIA2, SOVIET UNION, UNYÓNG SOBYÉT Cf USSR

uniped (yú·ni·péd)

png |[ Ing ]
:
tao na isa lámang ang paa o binti.

unipersonal (yú·ni·pér·so·nál)

pnr |[ Ing ]
:
umiiral lámang bílang isang persona.

unipolar (yú·ni·pó·lar)

pnr |[ Ing ]
1:
aparatong magnetiko at elektriko, nagtatanghal ng isang uri ng polaridad
2:
Bio sa nerve cell, may isang polo o proseso lámang.

u·ni·pór·me

png |[ Esp uniforme ]
:
magkakatulad na kasuotan ng mga kasapi ng isang pangkat o institusyon, gaya ng sundalo, pulis, mag-aaral, at katulad : UNIFORM

u·ni·pór·me

pnr |[ Esp uniforme ]
1:
hindi nagbabago sa anyo at karakter : UNIFORM
2:
umaayon sa magkatulad na istandard, batas, at hanggahan : UNIFORM
3:
hindi nagbabago ; tuloy-tuloy : UNIFORM
4:
sa buwis, batas, at katulad, hindi nag-iiba sa oras o pook : UNIFORM

u·ní·por·mí·dad

png |[ Esp uniformidad ]
:
pagiging iisa o magkakatulad sa anyo at katangian : UNIFORMITY

unique (yu·ník)

pnr |[ Ing ]

unisex (yú·ni·séks)

pnr |[ Ing ]
:
sa moda ng pananamit, buhok, at katulad, nakadisenyo para sa lahat ng kasarian.

unisexual (yú·ni·séks·wal)

pnr |[ Ing ]
1:
ukol sa isang sex o kasarian
2:
Bot may stamen o pistil sa lahat ng kasarian.

unison (yú·ni·són)

png |[ Ing ]
:
pagiging sabay-sabay o magkakasabay, hal, unison sa pagsagot.

UNITAR (yú·ni·tár)

daglat |[ Ing ]
:
United Nations Institute for Training and Research.

unitarian (yú·ni·tár·yan)

png |[ Ing ]

unitarianism (yú·ni·tár·ya·ní·sim)

png |[ Ing ]

unitary (yú·ni·tá·ri)

pnr |[ Ing ]
1:
ukol sa yunit o mga yunit
2:
may tatak ng kaisahan o pagkakaisa.

u·ni·tar·ya·nís·mo

png |[ Esp unitario+anismo ]
1:
ang mga paniniwala, prinsipyo, at praktika ng unitarian : UNITARIANISM
2:
Pol sistemang nagtataguyod sa sentralisadong pamumunò, gaya ng pamahalaan : UNITARIANISM

u·ni·tár·yo

png |[ Esp unitario ]
1:
sa Kristiyanismo, ang paniniwalang iisa ang persona ng Diyos : UNITARIAN
2:
sa malaking titik, kasapi ng pangkat na may ganitong paniniwala : UNITARIAN
3:
Pol tagapagtaguyod ng sentralisadong pamumunò : UNITARIAN

unit cost (yú·nit kóst)

png |Ekn |[ Ing ]
:
halaga ng paglikha ng isang piraso ng produkto.

united (yu·náy·ted)

pnr |[ Ing ]

United Kingdom (yu·náy·ted kíng· dam)

png |Heg |[ Ing ]
:
opisyal na bansa sa kanlurang Europa, binubuo ng Great Britain at Northern Ireland.

United Nations (yu·náy·ted néy· syons)

png |[ Ing ]
:
pinaikling United Nations Organization Cf UN

United Nations Children’s Fund (yu·náy·ted néy·syons tsíld·rens fand)

png |[ Ing ]
:
itinatag ng UN noong 1946 upang magdulot ng pagkain, damit, at mga programang panrehabilitasyon sa mga batà ng Europa na biktima ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Noong 1950, itinalaga ang UNICEF para sa pangangalaga ng kapakanan ng mga batà sa buong mundo Cf UNICEF

United Nations Commission on Science and Technology for Development (yu·náy·ted néy·syons ko·mí·syon on sá·yans end tek·nó·lo·dyí for de·vé·lop·mént)

png |[ Ing ]
:
itinatag noong 1992 pagkaraan ng isang kumperensiya ng UN sa Vienna at ipinalit sa mga dáting lupon sa agham at teknolohiya ng UN Cf UNCSTD

United Nations Conference on Trade and Development (yu·náy·ted néy·syons kón·fe·réns on treyd end ín·das·trí)

png |[ Ing ]
:
itinayô noong 1964, ipinalalaganap nitó ang magkasanib na pagsulong ng mga umuunlad na bansa túngo sa kaunlarang pandaigdig Cf UNCTAD

United Nations Development Programme (yu·náy·ted néy·syons de·vé· lop·mént próg·ram)

png |[ Ing ]
:
isang global development network ng UN, ipinalalaganap nitó ang pagbabago at ang pag-uugnay ng mga bansa sa karunungan, karanasan, at mga pintungan upang matulungan ang mga tao na magkaroon ng higit na mabuting búhay. Bahagi ng mga gawain nitó ang proteksiyon ng mga karapatang pantao at ang mga pagsusulong sa karapatan ng mga kababaihan Cf UNDP

United Nations Disasters Relief Office (yu·náy·ted néy·syons di·sás·ters ri·líf ó·fis)

png |[ Ing ]
:
itinatag noong 1971 ng UN General Assembly, pangunahing tungkulin nitó ang pagmobilisa at pangangasiwa sa mga gawaing pangkaligtasan sa panahon ng kalamidad Cf UNDRO

United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (yu·náy·ted néy·syons ed·yu·kéy·syo·nál sá·yan·tí·fik end kúl·tyu·rál or·ga·ni·zéy·syon)

png |[ Ing ]
:
sangay ng UN na itinatag noong 1946 upang palaganapin ang pagtutulungan ng mga bansa sa mga larang ng edukasyon, agham, kultura, at komunikasyon. May punòng himpilan ito sa Paris at may 195 kasaping bansa noong 2013 Cf UNESCO

United Nations Environmental Programme (yu·náy·ted néy·syons en·váy·ron·mén·tal próg·ram)

png |[ Ing ]
:
itinatag noong 1972 ng UN General Assembly, layunin nitóng palaganapin ang pagkakaisang pandaigdig hinggil sa mga usaping pangkaligiran. Aktibo ang UNEP sa pagsubaybay ng sumusunod : klima, ozone layer, pagtatápon ng basura, pagkasirà ng kagubatan at tubigan, pagtitipid sa enerhiya, at kalusugan Cf UNEP

United Nations Fund for Population Activities (yu·náy·ted néy·syons fand for pó·pyu·léy·syon ak·tí·vi·tís)

png |[ Ing ]
:
isang pandaigdigang ahensiyang pangkaunlaran na nagsusulong sa karapatan ng bawat tao upang magkaroon ng pantay na pagkakataon sa kalusugan at kabuhayan. Ginagamit nitó ang mga impormasyong pampopulasyon para sa mga programa na may layuning paliitin ang kahirapan at tiyakin na bawat pagbubuntis ay nais, bawat panganganak ay ligtas, at bawat kabataan ay malaya sa mga sakít tulad ng HIV AIDS Cf UNFPA

United Nations High Commission for Refugees (yu·náy·ted néy·syons hay ko·mí·syon for réf·yu·dyí)

png |[ Ing ]
:
itinatag ng UN General Assembly noong 1950, tungkulin ng ahensiyang ito na pangunahan o pag-ugnayin ang mga aksiyong pandaigdig upang pangalagaan ang mga refugee at lutasin ang mga problema ng mga refugee sa buong mundo Cf UNHCR

United Nations Industrial Development Organization (yu·náy·ted néy·syons in·dás·tri·yál de·vé·lop·mént or·gá·ni·zéy·syon)

png |[ Ing ]
:
itinatag ng UN General Assembly noong 1966, isa itong nagsasariling sangay sa loob ng UN at may misyong pabilisin ang industriyalisasyon ng mga umuunlad na bansa Cf UNIDO

United Nations Institute for Training and Research (yu·náy·ted néy·syons ins·ti·tyut for trey·ning end ri·serts)

png |[ Ing ]
:
itinatag noong 1963 para sa layuning pahusayin ang bisa ng pagtamo ng UN ng layunin ng organisasyon sa pamamagitan ng malawakang treyning at saliksik Cf UNITAR

United Nations Organization (yu·náy·ted néy·syons or·ga·ni·zéy· syon)

png |[ Ing ]
:
organisasyon ng mga bansa na itinatag noong 1945 upang itaguyod ang kapayapaang pandaigdig, seguridad, at pagkakaisa Cf UNO

United States (yu·náy·ted ís·teyts)

png |Heg |[ Ing ]
:
bansa sa Hilagang America, binubuo ng mga estadong federal : ESTÁDOS UNÍDOS, UNITED STATES OF AMERICA Cf US

United States of America (yu·náy·ted ís·teyts ov a·mé·ri·ká)

png |Heg |[ Ing ]
:
United States Cf USA

unit price (yú·nit práys)

png |Ekn |[ Ing ]
:
halaga ng pagbebenta sa isang piraso ng produkto.

unity (yú·ni·tí)

png |[ Ing ]
1:
Lit Tro kaisahán
2:
bagay na bumubuo ng isang masalimuot na kabuuan
3:
Mat ang bílang na “isa” o anumang itinuturing na isa.

univalent (yú·ni·vá·lent)

pnr |[ Ing ]
2:
Bio sa chromosome, ang natítiráng walang kapareha sa yugto ng meiosis.

univalve (yú·ni·válv)

png |Zoo |[ Ing ]
:
uri ng molusko na may isang valve o talukab, hal tahong, talaba.

universal (yú·ni·vér·sal)

pnr |[ Ing ]

universalism (yú·ni·vér·sa·lí·sim)

png |[ Ing ]

universality

pnr |[ Ing ]

universal language (yú·ni·vér·sal láng·gweyds)

png |[ Ing ]
1:
Lgw wikang nagagamit at nauunawaan ninuman at saanman
2:
anumang uri ng ekspresyon na ginagamit at nauunawaan o naiintindihan kahit saan, gaya ng musika
3:
doktrina na naniniwalang maliligtas ang lahat at makakapiling ng Diyos.

universal recipient (yú·ni·vér·sal re·sí·pyent)

png |[ Ing ]
:
tao na kabílang ang tipo ng dugo sa pangkat AB, at maaaring tumanggap ng dugo mula sa pangkat ABO.

universal serial bus (yú·ni·vér·sal sír·yal bas)

png |Com |[ Ing ]
:
isang istandard para sa mga socket pangkoneksiyon sa computer at iba pang kasangkapang elektroniko Cf USB

universe (yú·ni·vérs)

png |[ Ing ]

university (yú·ni·vér·si·tí)

png |[ Ing ]

univocal (yú·ni·vó·kal)

pnr |Lgw |[ Ing ]
:
sa salita, nagtataglay ng isang tanging kahulugan.