uniberso
u·ni·bér·so
png |[ Esp universo ]
1:
ang kabuuan ng hayág at inaakalang mga bagay at pangyayári ; lahat ng umiiral na bagay, kabílang ang mundo, mga nilaláng dito, at mga lawas pangkalawakan : KALUPAÁN,
MAKROKÓSMO1,
SANGMALIWÁNAG,
SANLIBUTÁN,
SANSINÚKOB,
SANTINAKPÁN,
UNIVERSE
2:
ang mundo, lalo na ang sangkatauhan
3:
mundo o espero na iniiralan at pinamamayanihan ng isang bagay.