unyon


un·yón

png |[ Esp unión ]
1:
pagsasáma o pagbubuklod ng dalawa o higit pang bagay : UNION1
2:
pagiging magkabuklod o magkasáma : UNION1
3:
bunga o dulot ng pagbubuklod o pagsasáma ng dalawa o higit pang mga bagay : UNION1
4:
mga tao, estado, at katulad na pinag-isa o pinag-ugnay ng iisang layunin : UNION1
5:
pangkat ng mga estado o nasyon na itinuturing na iisang lawas pampolitika : UNION1
6:
organisasyon ng mga manggagawâ : UNION1
7:
proseso o resulta ng pagsasáma o integrasyon ng magkahiwalay, putol, o balîng elemento, gaya sa paggalíng ng sugat o nabalìng butó : UNION1
8:
lokasyon o pook na pinangyarihan ng pagbubuklod : UNION1

Un·yóng Sob·yét

png |Heg |[ Esp Unión+Tag ng+Esp Soviét ]
:
baybay sa Tagalog ng dáting Union of Soviet Socialist Republics.

un·yo·nís·ta

png |[ Esp union+ista ]
:
miyembro ng unyong pangmanggagawà.