un
UN (yu en)
daglat
:
United Nations.
ú·na
png pnr |pang·ú·na |[ Esp ]
1:
u·na·hán
png |[ una+han ]
1:
ang nása unahán ng isang hanay : FRONT1
2:
pangharap na bahagi ng sasakyan, bagay na pahabâ, at katulad : FRONT1
3:
ú·nan
png
u·ná·nar
png |[ ST ]
:
pananaginip sa naiisip dati.
u·náng
png |[ ST ]
:
pag-ulit sa sinabi na.
ú·nang gí·nang
png |[ una+na ginang ]
1:
asawa ng pangulo : FIRST LADY
2:
babae na nangunguna o natatangi sa isang partikular na larang o propesyon : FIRST LADY
ú·nang pa·na·ú·han
png |Gra |[ una+na pang+tao+han ]
:
panauhan ng panghalip na panao na tumutukoy sa táong nagsasalita, hal ako, akin, natin : FIRST PERSON
ú·nang pa·ngá·lan
png |[ una+na pangalan ]
:
pangalang ibinibigay sa isang tao pagsilang o pagkabinyag at ginagamit o isinusulat bago ang apelyido : FIRST NAME,
GIVEN NAME
unanimous (yu·ná·ni·mús)
pnr |[ Ing ]
1:
nagkakasundo lahat
2:
sa opinyon, batas, at katulad, ginanap o binigyan ng bisà sa pamamagitan ng pangkalahatang kasunduan.
u·ná·no
png pnr |[ Esp enano ]
ú·nat
png
1:
pag-ú·nat pagtutuwid ng anumang baluktot, hal pag-unat sa bisig
2:
pag-ú·nat kung sa damit at katulad, pag-aalis ng kulubot, hal pag-uunat ng palda sa pamamagitan ng plantsa — pnd i·ú·nat,
mag-ú·nat,
u·nátin
3:
Bot
[Iba]
tubó.
u·na·wà
png |pag-u·ná·wa
:
kabatiran o pagkaalam tungkol sa anumang bagay ; pag-intindi sa sinasabi ng isang tao : ARÓK2 — pnd ma·ka·u·na·wà,
ma·u·na·wá·an,
u·na·wá·in.
ú·na·wá·an
png |[ unawa+an ]
:
pagkakaintindihan ng dalawang tao.
ú·nay
png |[ ST ]
1:
pagtiris ng kuto sa ulo mismo
2:
pagsasáma-sáma at pagpapatúloy sa isang gawain
3:
paggawâ ng bahay sa mga nakatayông haligi
4:
pagtututok ng punyal sa dibdib at pagbabantâ
5:
pagtuturo kung ano ang dapat gawin sa pamamagitan ng paggawâ muna sa itinuturo sa harap ng tinuturuan
6:
pagtitipon ng mga kasapi ng isang samahán o bansa para sa isang bagay.
uncertainty principle (an·sér·teyn·tí prín·si·pól)
png |Pis |[ Ing ]
:
ang prinsipyong quantum-mechanical na hindi ganap na malaláman sa magkatulad o sabay na oras ang momentum at posisyon ng isang particle.
-uncle (áng·kel)
pnl |[ Ing ]
:
pambuo ng pangngalan, karaniwang diminutibo.
Uncle Sam (áng·kel sam)
png |[ Ing ]
:
personipikasyon ng pamahalaan o mga mamamayan ng Estados Unidos na inilalarawan bílang matangkad, may balbas, nakasuot ng bughaw na tailcoat, pantalong may pulá at putîng guhit, at sombrerong may guhit na mga bituin.
UNCSTD (yu en si es ti di)
daglat |[ Ing ]
:
United Nations Commission on Science and Technology for Development.
UNCTAD (yu en si ti ey di)
daglat |[ Ing ]
:
United Nations Conference on Trade and Development.
unction (ángk·syon)
png |[ Ing ]
1:
santo oleo
2:
kaisipan o salitâng nanunuot sa diwa.
un·dá
png |[ ST ]
:
pagpasan ng kahoy.
un·dâ
png |[ ST ]
:
paghila o paghatak sa bangka, kotse, at katulad sa pamamagitan ng lubid o kadena.
un·dáng
png |[ ST ]
:
pagtayô sa mesa dahil sa isang hindi inaasahang pangyayári.
un·dáp
png |Agr |[ ST ]
:
hindi magandang pagsibol ng palay.
un·dás
png |[ Esp ondras ]
:
Ara
w ng mga Patáy var undrás
un·dát
png |[ ST ]
:
pagtangging gawin ang isang bagay dahil sa yamot na gawin ito.
un·dáy
png
1:
galaw ng bagay na nakabitin Cf INDÁYOG
2:
galaw ng kamay mula itaas patúngo sa susuntukin o sasaksakin — pnd u·mun·dáy,
un·da·yán.
un·dá·yon
png |[ ST ]
:
pag-ugoy sa isang bagay na nakabitin.
under (án·der)
pnr pnb pnt |[ Ing ]
1:
nása ilalim
2:
nása loob ng isang rabaw, at katulad
3:
kung sa ranggo o tungkulin, mababà o nakailalim sa isang opisyal ; o kung sa halaga o presyo, higit na mababà.
underclothes (án·der·klówds)
png |[ Ing ]
:
damit panloob, gaya ng sando, kamison, o bra.
undercurrent (án·der·ká·rent)
png
1:
presyur sa ilalim ng rabaw
2:
damdamin, impluwensiya, at katulad na karaniwang salungat sa isang umiiral na kaayusan.
underdeveloped (án·der·de·vé·lopt)
pnr |[ Ing ]
1:
hindi pa ganap na buo
2:
Pol
sa isang bansa, kalagayang hindi pa ganap na maunlad ang ekonomiya
3:
sa potograpiya, hindi ganap ang pagkabuo o paglabas ng mga imahen.
underdog (án·der·dóg)
png pnr |[ Ing ]
1:
áso o tao na natálo sa labanán
2:
tao o pangkat ng mga tao na inaasahang matatálo sa paligsahan o labanán Cf DEHÁDO
undergraduate (án·der·grád·weyt)
png |[ Ing ]
:
mag-aaral sa kolehiyo o unibersidad na hindi pa nakakuha o nakatapos ng unang kurso.
underground (án·der·gráwnd)
png |[ Ing ]
1:
pook o rehiyon sa ilalim ng lupa
2:
daan sa ilalim ng lupa
3:
lihim na organisasyong tumututol sa umiiral na pamahalaan Cf UG
underworld (án·der·wórld)
png |[ Ing ]
1:
bahagi ng isang lipunan na binubuo ng mga tao na nabubúhay sa paggawâ ng organisadong krimen
2:
Mit
pook sa ilalim ng mundo na pinatutunguhan ng mga patay
3:
rehiyon sa ilalim ng rabaw, gaya ng sa mundo o lawas ng tubigan
4:
ang kabilâng bahagi ng mundo.
underwriter (án·der·ráy·ter)
png |[ Ing ]
1:
tao na lumalagda sa mga polisiya ng seguro o namumuhunan sa seguro bílang negosyo
2:
tao na nangangasiwa sa mga ambag at kasunduan.
un·di·rík
png |[ ST ]
1:
paglangoy gamit ang paa at nakaangat ang dibdib
2:
pakikipaglaban sa bingit ng kamatayan.
un·dók
pnr |[ ST ]
1:
2:
umuugoy-ugoy, tulad ng galaw ng alon o ng galaw ng tao na nakasakay sa kabayo.
un·dót
png
:
pagkaudlot o biglaang tákot dahil sa pagkagulat.
UNDP (yu en di pi)
daglat |[ Ing ]
:
United Nations Development Programme.
UNDRO (yu en di ar o)
daglat |[ Ing ]
:
United Nations Disasters Relief Office.
unemployment (án·em·plóy·ment)
png |[ Ing ]
:
kawalan ng trabaho.
UNEP (yu en I pi)
daglat |[ Ing ]
:
United Nations Environmental Programme.
unequivocal (an·ék·wi·vó·kal)
pnr |[ Ing ]
:
malinaw at hindi mapagkakamalan.
UNESCO (yu·nés·ko)
daglat |[ Ing ]
:
United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization.
UNFPA (yu en ef pí ey)
daglat |[ Ing ]
:
United Nations Fund for Population Activities.
u·nga·gá
png |[ ST ]
:
ang tuwa ng ama o ina sa kanilang anak kapag nagsisimula itong magsalita.
Ung·ga·rá
png |Ant |[ Esp hungara ]
:
baybay sa Tagalog ng Hungara.
ung·gî
pnr
:
natanggal mula sa sisidlan.
úng·gi
png |[ ST ]
:
paggalaw ng bagay na mali ang pagkakalagay.
ung·gu·wén·to
png |Med |[ Esp unguento ]
ung·kát
png |[ ST ]
:
pagbanggit sa isang bagay na lumipas o nakaraan na.
ung·káy
png |[ ST ]
:
pagkabuwal ng punongkahoy sa lupa dahil nabulok ang mga ugat nitó.
ung·kó
png |[ ST ]
:
salitâng unang nabibigkas ng batà.
ú·ngol
png |[ ST ]
1:
2:
3:
pagkalagas ng mga dahon ng punongkahoy
4:
Med
putulin ang kamay o mga daliri dahil sa súgat o pinsala.
u·ngóng
png |[ ST ]
:
pag-inom sa iisang sisidlan.
u·ngót
png
:
paghingi ng anuman, karaniwang sa malambing ng pamamaraan.
ung·sór
pnr |[ ST ]
:
hindi pantay.
ungulate (áng·gyu·léyt)
pnr |[ Ing ]
1:
ukol sa kukó
2:
tumutukoy sa mga mammal na may kukó.
UNHCR (yu en eyts si ar)
daglat |[ Ing ]
:
United Nations High Commission for Refugees.