uyo
u·yó
png |[ ST ]
1:
paglikha ng hidwaan
2:
pagbulabog sa mga áso
3:
panginginain ng mga máya sa palayan
4:
hindi gaanong paglaki at pagliit ng tubig
5:
kulô o pagkulô.
u·yóg
png |[ ST ]
1:
pagsulsol upang mag-away
2:
panggagaya na may kasámang pagtuyâ.
ú·yom
png |Bot |[ ST ]
:
uri ng nakakaing buyo.
ú·yon
png |[ ST ]
:
pagsasaayos ng ilang bagay.
u·yót
png
1:
pag-uga sa isang bagay upang mahulog ang naninimbang
2:
kabiguan o pagiging bigo.
ú·yot
png |[ ST ]
1:
pagkahulog sa isang butas o malîng bahagi
2:
pagbibigay ng mabubuting salita na parang nakapag-aral o abogado.
uy-óy
png |[ ST ]
:
pagpapagalit sa mga áso para sumalakay.