work
workaholic (work·a·hó·lik)
pnr |[ Ing ]
:
tao na labis ang pagtupad sa trabaho.
work camp (work kamp)
png |[ Ing ]
:
kampo na laan sa isang gawain.
work ethic (work é·tik)
png |[ Ing ]
:
paniniwala sa likás na kabutihan ng paggawâ at sa bisà nitó upang patatagin ang kalooban.
workforce (wórk·fors)
png |[ Ing ]
1:
ang kabuuang bílang ng mga manggagawà sa isang industriya
2:
ang kabuuang bílang ng mga tao na nagtatrabaho o walang trabaho.
workhorse (wórk·hors)
png |[ Ing ]
1:
Zoo
kabayo na ginagamit sa pagbubungkal, paghila, at iba pang mabigat na gawain
2:
tao na walang págod sa pagganap ng kaniyang gawain at gawain ng iba.
working capital (wór·king ká·pi·tál)
png |Ekn |[ Ing ]
1:
halaga ng puhunan na kailangan upang magpatuloy ang isang negosyo
2:
iba pang ari-arian maliban sa fixed asset.
work of art
png |[ Ing ]
:
mahusay na obra.