yantok


yan·tók

png |Bot |[ Kap Tag ]
:
haláman na katutubò sa kabundukan ng Filipinas, may uring palma at may uring baging, may kilaláng 80 espesye na kabílang sa mga genus Calamus, Daemonorops, Korthalsia, at Plectocomia, ang tangkay ay karaniwang ginagamit sa paggawâ ng muwebles at ibang likhang-kamay : BABÚYAN2, BALÁGEN, BÁRIT2, BEHÚKO, HUYÒ, NÁNGA, RATTAN, WAY2 Cf ÁBET, BARÁSAN, KALÁPI, SÍKA, TUMALÚLA, UWÁY