alal
al-ál
png |[ ST ]
1:
paraan ng paglilinis ng ngipin
2:
kikil na manipis at pino para sa ngipin at butó var alal
3:
kasangkapang matulis na pambuli ng alahas
4:
paulit-ulit na pagtulak sa likod ng ngipin o sa loob ng gilagid sa pamamagitan ng dila
5:
pagpapakíta o paggiit sa isang bagay na walang kabuluhan o kinayayamutan ng tao na ginagambala.
a·la·lá·ha·nín
png
:
sanhi ng balisa.
A·la·la·óng sá·na!
pdd
:
Gayon nga! Gayon sana!
a·la·la·wí·gan
png |Zoo |[ Ilk ]
1:
maliit, maliksing ibon na may mahabàng buntot, maitim na likod, at putîng dibdib
2:
taguri sa babaeng malambing.
a·lá·lay-tú·los
png |[ alalay+tulos ]
:
pangkat ng mga tao na nagbabaón ng mga tulos, gaya sa paggawâ ng baklad.