banta


ban·tâ

png
1:
pagpapahayag ng intensiyon o determinasyong magdulot ng pananakít, parusa, o pinsala bílang ganti : BALÀ, HAGYÒ, ÍTA1, THREAT Cf TANGKÁ, BÁLAK
2:
anumang nagpapahiwatig ng maaaring mangyari o dumatíng na pinsala, kasamaan, o dahas : BALÀ, ÍTA1, THREAT
3:
[Hil Tag] bintáng
4:
Kol sa Batangas, sapantaha1
5:
[ST] anumang nása isip hal bálak o panlilinlang kayâ tinatawag ding punòng banta ang tao na mahilig magplano at maraming bagong idea.

ban·tá·an

png |Lit |[ Mrw ]

ban·tád

pnr
1:
labis na busóg : ÍNAM1
2:
naiinip ; nayayamot

ban·tág

png
1:
[ST] paggalaw-galaw o pagyanig, katulad nang kapag ang isang tao ay naglalakad-lakad
2:
Med muling paglalâ ng papagalíng nang súgat o pílay dahil sa pagkilos ng pasyente Cf BÍNAT

ban·ták

png |[ Ilk ]
1:
Ntk balsa na may layag at ginagamit sa pangingisda
2:
Psd kawit na ginagamit sa pangingisda, ikinakabit sa patpat ng kawayan
3:
[ST] pagbatak sa pisì ng búsog upang makapanà.

ban·tál

png |[ Hil Mrw ST ]
:
balútan, karaniwan ng maruruming damit.

ban·ta·lí·naw

png |Bot
:
punongkahoy na biluhabâ ang dahon, putî ang bulaklak, katamtaman ang taas, at gamot sa ubo ang katas ng balát : BULUNGÍTA

bán·tam

png |[ Ing ]
1:
Zoo alinmang maliit na lahi ng hayop, tulad ng manok, itik, o gansa
2:
maliit ngunit agresibong tao.

bantamweight (bán·tam·wéyt)

png |Isp |[ Ing ]
1:
timbang sa ilang isports, nása pagitan ng flyweight at featherweight, 51–54 kg sa amateur boxing ngunit nag-iiba para sa propesyonal
2:
atletang may ganitong timbang.

ban·tár

pnr |[ ST ]
:
basâng-basâ sa pagkababad o unát na unát.

ban·tás

png |Gra
:
panandâng ginagamit sa pagpapangkat ng salita : PUNCTUATION, PUNTUWASYÓN

ban·tá·san

png |[ ST ]
:
kuwít o tuldók na isinusulat.

ban·táy

png |[ Bik Hil Ilk Mag Mar Pan Seb Tag War ]
1:
sinumang may tungkuling mangalaga sa isang bagay, tao, o pag-aari : GUARD, GUWÁRDIYÁ1, LOOKOUT3, PASLÁNG2, SÉNTINÉL1, TÁNOD, TÁNOR Cf ABÁNG, AGÁPAY, HITÍ
3:
[ST] silò na may kawayan na panghúli ng ibon.

ban·tá·yan

png |[ ST ]
1:
pook ng nagbabantay o pook na binabantayan
2:
papag na kawayan at pinaglalagyan sa mga maysakít para maarawan
3:
braso ng timbangan, at ganoon din ang inspektor ng mga timbangan.

ban·ta·yáw

png |[ War ]

ban·táy-bun·dók

png

ban·táy-dá·gat

png
:
tao, karaniwang sundalo na bahagi ng pangkat na nagpapatupad ng batas sa dagat, sumasagip ng búhay at ari-arian sa dagat, at tumutulong sa nabegasyon : COASTGUARD, GUWÁRDAKÓSTA, MARÍNA

ban·táy-gú·bat

png
:
tao, karaniwang sundalo at bahagi ng nangangalaga sa pambansang parke, kagubatan, at bundok : BANTÁY-BUNDÓK, GUWÁRDAMÓNTE, RANGER1

ban·tá·yog

png |Sin |[ bantáy+ matáyog ]
:
estrukturang mataas, malimit gawâ sa matigas na materyales at may eskultura, at itinayô bílang paggunita sa isang makasaysayang pangyayari o isang bayani : MONUMENT, MONUMÉNTO Cf MEMORYÁL2

ban·táy-sa·lá·kay

pnr
:
hindi mapagtitiwalaan.