buso
bú·so
png |[ Esp buzo ]
:
tao na sumisisid at humihinga sa pamamagitan ng daláng tangke ng oxygen o túbong mula sa ibabaw ng tubig : BUSEADÓR
bú·sod
png |Med |[ ST ]
:
paninigas ng tiyan.
bú·sog
png |Isp |[ ST ]
bu·só·gan
png |Bot |[ ST ]
:
uri ng saging.
bú·sog-sor·lán
png |[ ST ]
:
materyal na ginagamit para gumawâ ng pulunan ng búsog.
bu·sók
png |[ ST ]
:
ang hindi pagdaloy nang maayos ng tubig sa isang kanal.
bus-ók
pnd |bus-u·kín, i·bus-ók, ma·bus-ók |[ ST ]
:
basagin sa mga palad ang itlog, prutas, atbp.
bú·sok
png |[ ST ]
1:
pagkalubog ng paa sa lupa
2:
paglalaho, o ang kilos para itago ang isang bagay.
bu·són
png |[ Esp buzón ]
:
kahon sa harap ng bahay o sa bangketa para paghulugan ng koreo.
bú·song
png
1:
[ST]
walang utang-na-loob
2:
[ST]
parusa na dumating sa isang tao nang hindi nalaláman kung kanino nagmula
3:
[Ilk]
kondenádo2
bú·song-bú·song
png |[ ST ]
:
koronang ginto na ginagamit ng katalonan var básong-básong
bu·só·ran
png |Ark |[ Ilk ]
:
batangan ng mga soléras ng sahíg.