cal
calabash (ká·la·básh)
png |Bot |[ Ing ]
:
punongkahoy (Crescentia cujete ), laging-lungti ang dahon, namumunga, at matatagpuan sa tropikong America.
caladium (ka·léy·di·yúm)
png |Bot |[ Ing ]
:
korason de-marya.
calamine (ká·la·máyn)
png |[ Ing ]
:
kulay pink na pulbos mula sa pinaghalong zinc carbonate at ferric oxide at ginagamit na ungguwento.
calando (ka·lán·do)
pnr |Mus |[ Ing ]
:
marahan at mabagal na tugtog.
Calapan (ka·la·pán)
png |Heg
:
kabesera ng Oriental Mindoro.
Calbayog (kal·bá·yog)
png |Heg
:
lungsod sa Western Samar.
calciferol (kal·sí·fe·ról)
png |BioK |[ Ing ]
:
alkohol ((C28H43)H) na natutunaw sa tabâ, kristalina, at matatagpuan sa gatas, langis mula sa atay ng isda, at katulad ; nalilikha mula sa ultrabiyoletang iradyasyon ng ergosterol ; mabisàng gamot at panlaban sa rickets at iba pang hypocalcemic na sakít.
calcite (kál·sayt)
png |Kem |[ Ing ]
:
isa sa mga karaniwang mineral, calcium carbonate, CaCO3 matatagpuan sa napakaraming uri ng anyong kristalina ; isang pangunahing sangkap ng batong-apog, marmol, at tisà.
calcium (kál·syum)
png |Kem |[ Ing ]
:
metalikong element na malambot at abuhin (atomic number 20, symbol Ca ) : KÁLSIYÓ
calcium carbonate (kál·syum kár·bo·néyt)
png |Kem |[ Ing ]
:
puti, di-natutunaw na solido at karaniwang nása anyong tisà, apog, marmol, at mga katulad.
calculation (kal·kyu·léy·syon)
png |[ Ing ]
:
táya1 o pagtáya.
calculator (kál·kyu·léy·tor)
png |[ Ing ]
1:
aparatong elektroniko, ginagamit sa kalkulasyong matematiko : KALKULADÓR
2:
tao o mákináng nagkakalkula : KALKULADÓR
3:
set ng mga talahanayan na ginagamit sa kalkulasyon : KALKULADÓR
calculus (kál·kyu·lús)
png |Mat |[ Lat ]
:
sangay ng matematika hinggil sa differentiation at integrasyon ng mga funsiyon.
calender (ká·len·dér)
png |[ Ing ]
:
pamplantsa, may mga rodilyong pampakinis o pampakintab sa tela, papel, at katulad.
calico (ká·li·kú)
png |[ Ing ]
1:
telang cotton, lalo na ang purong putî
2:
telang cotton na may disenyo.
californium (ká·li·fór·ni·yúm)
png |Kem |[ Ing ]
:
elementong transuranic (atomic number 98, symbol Cf ).
caliper (ká·li·pér)
png |[ Ing ]
:
kómpas na kurbado ang paa at ginagamit na pansukat sa diyametro ng mga malanday na lawas.
call (kol)
pnd |[ Ing ]
1:
tumawag o tawagin
2:
mag-anyaya o anyayahan
3:
tumawag ng pansin
4:
tawagan sa telepono
5:
tanggapin, halimbawa ang isang hámon.
calla lily (ká·la lí·li)
png |Bot |[ Ing ]
:
yerba (Zantedeschia aethiopica ) na may makapal na risoma, may tangkay na 1 m ang habà na nagdadalá sa hugis embudo at maputîng bulaklak : LILY-OF-THE-NILE
call center (kol sén·ter)
png |[ Ing ]
:
isang sentralisadong opisina na tumutugon sa mga tawag ng kostumer na nangangailangan ng impormasyon o dumudulog sa reklamo hinggil sa isang produkto o serbisyo ng isang kompanyang multinasyonal.
calypso (ka·líp·so)
png |Mus |[ Ing ]
1:
uri ng musikang West Indies na may sabáyang ritmong African
2:
awit o sayaw sa estilong ito.