cat
Catalan (ka·ta·lán)
png |Ant Lgw |[ Esp ]
:
ang wika at mamamayan ng Cataluña, España.
Cataluña (ka·ta·lún·ya)
png |Heg |[ Esp ]
:
rehiyon sa hilagang silangang España.
catamaran (ka·ta·ma·rán)
png |Ntk |[ Ing ]
:
sasakyang pandagat na may layag at may dalawang kaskong binangkilas.
Catanduanes (ka·tán·du·wá·nes)
png |Heg
:
lalawigan sa timog silangang Luzon, Rehiyon V.
Catarman (ka·tar·mán)
png |Heg
:
kabesera ng Northern Samar.
Catbalogan (kat·ba·ló·gan)
png |Heg
:
kabesera ng Western Samar.
catch (kats)
pnd |[ Ing ]
1:
humúli o hulíhin
2:
sumaló o saluhin.
catcher (ká·tser)
png |Isp |[ Ing ]
:
tagatanggap o tagasaló ng bola mula sa pitcher.
cater (kéy·ter)
pnd |[ Ing ]
:
maghatid at magdulot ng pagkain o serbisyo para sa pagtitipon o handaan.
caterer (kéy·ti·rér, kéy·tir·ér)
png |[ Ing ]
:
restoran o tao na nakikipagkontrata sa paghahatid ng pagkain sa bahay o saan mang lugar na pagdarausan ng handaan.
catheter (ká·te·ter)
png |Med |[ Ing ]
:
túbo na ipinapasok sa maliit na bútas ng katawan, karaniwan para sa pag-aalis ng likido.
cathode (ká·tod)
png |Ele |[ Ing ]
1:
electrode na nagpapalabas ng electron at negatibong ion : KÁTODÓ
2:
negatibong pole ng baterya o anumang pinagmumulan ng koryente : KÁTODÓ
cation (kát·á·yon)
png |Kem |[ Ing ]
:
ion na may positibong karga at nahihila sa anode sa elektrolisis Cf ANION