bana
ba·ná
png |[ ST ]
:
mabilis na pagsisimula o mabilis na pagsasalita.
ba·ná·ag
png
1:
[ST]
kinang ng alahas
2:
[ST]
maliit na banga
3:
[Bik Hil Seb Tag War]
napakalayòng sinag o kutitap
4:
5:
bahagyang liwanag
6:
bahagyang pagkakilála sa anumang bagay na nakikíta dahil sa kalabuan ng matá var banág Cf ANÁG-AG,
ANÍNAW .
ba·na·bá
png |Bot |[ Ilk Pan Tag War ]
ba·nà·ba·nà
png |[ Hil Seb War ]
:
táya1 o pagtáya.
bá·na-bá·na
png |[ Seb ]
:
kinakasámang laláki ; hindi tunay na bána.
bá·nag
png
1:
Bot
makahoy na baging (Smilax bracteata ) na may mabango at berdeng dilaw na bulaklak, at may itim at bilugang berry : HAMPAS-TIGBÁLANG
2:
[Ilk]
bisà1–3
3:
[Ilk]
bágay1
4:
varyant ng banáag.
ba·na·gán
png |Zoo
1:
[ST]
áso
2:
[Hil Seb Tag]
pinakamalaking uri ng tinikang uláng sa genus Panulirus, ang lalaki ay umaabot sa habàng 43 sm at bigat na 2.8 kg, may kulay na abuhing kayumanggi, kulay kahel ang tinikang talukab, at may matitigas na mga galamay.
ba·ná·go
png |Bot
:
maliit hanggang malaki-laking punongkahoy (Thespesia populnea ) at tinatawag na Polynesia rosewood, may bulaklak na nag-iisa at mahabà ang tangkay, katutubò sa Filipinas, Africa, at Asia.
ba·ná·han
png |Zoo
:
uri ng malaking lapulapu (Variola louti ) na may manilaw-nilaw na dalandang kulay at maliliit na putîng bátik : CORONATION TROUT,
LÁPULÁPUNG SENYÓRA
ba·na·húng
pnr |[ Tbo ]
:
isang nangangailangan ng mapapangasawa.
bá·nak
png |Zoo |[ Hil Kap Seb Tag ]
:
isdang-alat (family Mugilidae ) na malapad ang ulo, may lambi ang palibot ng matá, at manipis at makinis ang labì, tinatawag na ágwas kapag nangingitlog at talilong kapag maliit pa : ARÁRAN,
ASÚBI,
BALÁNAK2,
BALONGÁIN,
BILUNGÁN,
GAGÁPANG,
LAMPÚHAN,
LUMÍTOG,
MULLET,
PURÓNG1,
SARANÁA,
SUMALÁPAW,
TABÚDYOS,
TANDÍPIL Cf AGWÁS,
ALIGASÍN,
KÁPAK,
LUDÓNG
ba·ná·kal
png |Bot
2:
[Kap Tag]
panit o balakbak ng binalatang bungangkahoy.
ba·na·ka·lán
pnr |Bot
:
mabanakál o maraming banakál2
ba·nál
png pnr
1:
bá·nal
png |[ ST ]
1:
pagkabalì ng butó
2:
bigat ng limang onsa.
ba·na·la·tá
png |[ ST ]
:
kasunduan ng mga nagmamahalan na huwag kumain o sirain ang anumang bagay, o kayâ’y huwag umalis sa bahay hanggang sa muli silang magkíta.
ba·ná·law
png |Bot
:
punongkahoy na tumataas nang hanggang 10 m at nalalatagan ng maliliit at kulay kapeng kaliskis ang dahon at maliliit na sanga.
ba·nál-ba·ná·lan
pnr |[ ST ]
:
ipókritó o ipókritá.
Ba·nál na Es·pi·ri·tú
png
:
sa Kristiyanismo, ang ikatlong persona sa Trinidad at sinasagisag ng kalapati : ESPÍRITÚ SÁNTO,
HOLY GHOST,
HOLY SPIRIT,
PARACLETE
banana republic (ba·ná·na re·páb·lik)
png |Pol |[ Ing ]
1:
mapang-uyam na tawag sa maliit at mahirap na estado, lalo na sa Central America, na nakasandig ang ekonomiya sa agrikultura at nása ilalim ng diktadura
2:
estadong madaling paglaruan ng ibang mayamang estado.
ba·náng-es
png |[ Ilk ]
:
malakas na paghinga sa ilong.
ba·ná·ro
png |Bot
:
halámang (Guettarda speciosa ) nabubúhay at matatagpuang nakakalat sa aplaya at dalampasigan : TÁBON-TÁBON1
ba·nás
pnr
:
yamót o nayayamót.
bá·nat
png
1:
pag-uunat ng lukot, baliko, o baluktot Cf BINTÁD
2:
batíkos1 o pagbatikos
3:
bugbóg2 o pagbugbog — pnd ba·ná·tan,
bu·má·nat,
mag·bá·nat.
ba·ná·ta
png
1:
sadyang sukat ng habà ng puputuling buhò na pambakod sa isang bakuran
2:
[ST]
paglalagay ng dibisyon sa pukot o baklad
3:
[Hil]
hinábing kawayan na ginagawâng bitag sa isda.
ba·ná·tan
png
1:
Bot
mababàng punongkahoy (Acanthus ebracteatus ) na pinagkukunan ng tablang karaniwang ginagamit sa paggawâ ng parola
2:
[banat+an]
pambalot sa baklad na yarì sa mahabàng tilad ng kawayang ga-sigarilyo, kinayas nang maayos at makinis, at linálang masinsin upang hindi malusutan ng kahit maliit na isda
3:
[ST]
isang uri ng salakab.
ba·ná·to
png |Bot |[ Iba Igo Tag ]
:
maliit na punongkahoy (Mallotus philippensis ) na pinagkukunan ng tina ang bunga : APÚYO,
DARANDÁNG,
KAMÁLA,
PANAGÍSEN,
PANAGISIYÁN,
PANAGISÍYEN,
PANGAPLÁSIN,
RÍYAS,
TAFU,
TAGUSÁLA,
TUTÚLA
Banaue (ba·ná·we)
png |Heg
:
isang munisipalidad sa probinsiya ng Ifugao.
Banaue Burnay (ba·ná·we bur·náy)
png |Lgw
:
isa sa mga wika ng mga Ifugaw.
ba·náw
pnd |ba·na·wín, mag·ba·náw |[ ST ]
1:
tanáwin mula sa matarik o malayong pook var banáhaw
2:
ihalò ang panghalò sa langis ; ang paminta sa pagkain.
Bá·naw
png |Ant
:
isa sa mga pangkating etniko ng mga Tinggian.
ba·ná·wag
png |Heo |[ Ilk ]
:
daanan sa bundok.
ba·ná·wan
png
:
bolang kristal na ginagamit ng mga manghuhula.
ba·ná·we
png |Zoo |[ Ifu ]
:
maliit na ibong kulay dilaw na mas malaki sa kilyawan at sinasabing pinagkunan ng pangalan ng Banaue.
ba·ná·wog
png
:
sa sinaunang lipunang Bisaya, uri ng galáng na gawâ sa itim na korales.
ban-áy
png |[ Ilk ]
:
talìng pandugtong sa mga matá ng lambat.
ba·ná·yaw
png |Zoo |[ Hil ]
:
makamandag na gagambang kulay itim.