baka


ba·kà

png |[ Tau ]
:
matigas at manipis na dumi sa ngipin.

ba·kâ

png |[ Hil ]

ba·kâ

pnb

bá·ka

png |[ Esp vaca ]
1:
Zoo malakí at maamong hayop (Bos taurus ), apat ang paa, may sungay, at ginagatasan ang inahin : CATTLE, COW
2:
pag·ba·bá·ka kilos ng paglalaban na may gamit na armas, gaya ng mga sundalo sa isang labanan o digmaan : PAMÁKA2
3:
labanán ng dalawang isip — pnd ba·ká·hin, i·bá·ka, mag· bá·ka

ba·ká-ba·ká

png |Zoo |[ Hil ]
:
uri ng maliit na crustacean.

bá·ka-bá·ka

png |Zoo
:
isda na matatagpuan sa batuhan at may dalawang tinik sa ulo na tíla sungay ng báka.

ba·ká-ba·ká·han

png |[ báka-báka+han ]
1:
laruang hubog báka
2:
laro ng mga batàng gumagapang at ginagagad ang hakbang ng báka
3:
hindi tunay na báka
4:
Bot muthâ
5:
malaki-laking isdang-alat (family Ostraciidae ) na sapad ang katawan, may maliit na bibig ngunit makapal na labì, at may isang pares ng tinik na parang sungay sa ulo : KABÁN-KABÁN, OBÚLUK, TABAYÓNG, TRUNKFISK

ba·ka·bán

png |Zoo |[ ST ]

bak·ád

pnr |[ War ]

bá·kad

png
:
pagkadkad ng labay o sinulid mula sa karete.

ba·kág

png |Bot
1:
[Bik] tabátib
2:
[Hil] basket na hugis parisukat.

bá·kag

png |Zoo
:
pinakamalaking susulbot sa Filipinas (Pelargopsis capensis ), karaniwang matatagpuan sa dalampasigan at bakawan : BAKÁKA, STORK-BILLED KINGFISHER

ba·ká·gan

png |Zoo
:
isdang-alat (genus Leiognathus ) na kauri ng sapsap.

ba·ká·ig

png |Bot
:
palumpong (Caesalpinia nuga ) na nabubúhay sa tabíng-dagat : KABÍT-KÁBAG1, KALAWINÍT, TUGÁBANG

ba·kák

png |[ Hil Seb ]

ba·ká·ka

png |Zoo |[ Seb ]

ba·ká·kaw

png |Bot |[ Ilk ]

ba·ká·ki

png |[ Sub ]
:
pantalon na panlaláki.

ba·ká·kon

pnr
1:
2:
[Seb] hambóg.

ba·kál

png |Agr
1:
paraan ng pagtatanim sa bukiring walang tubig
2:
pambungkal, karaniwang may bákal sa dulo.

ba·kál

pnd
1:
lagyan ng bákal
2:
[Bik Hil] bumilí.

bá·kal

png |Kem
:
element na mabigat, napapanday, makunat, magnetiko, metaliko, at kulay pilak kapag dinalisay ngunit madalîng kalawangin : BALATYÁNG, BALAYÁNG, BASÎ, BATBÁT2, LANDOK2, LÁNSANG2, IRON2, PÓTAW, PUTHAW2, SALSÁLON

bá·kal

pnd |bi·na·ká·lan, bu·má· kal, mam·bá·kal |Kol
:
manghingi o hingan.

ba·ká·lan

png |[ Pny ]
:
tukod sa dingding.

ba·ka·láw

png |Zoo |[ Esp bacalao ]
:
isda (family Gadidae ) na malambot ang palikpik at tumitimbang nang humigit-kumulang sa 22 g.

ba·kám

png
1:
lápat ng mga kahoy sa paggawâ ng bahay o muwebles
2:
buklod ng tapayan upang hindi ito maláhang.

bá·kam

png |Med
:
paghakab sa balát ng isang tao na may karamdaman sa pamamagitan ng kristal na kawangis ng baso : BENTÓSA, TANDÓK

ba·ka·nál

png |[ Esp bacanal ]
:
isang napakasayá at walang pagpipigil na pagdiriwang na idinaraos ng mga sinaunang Romano tuwing ikatlong taon para kay Bacchus : BACCHANALIA1

ba·káng

png |[ Seb ]

bá·kang

png |[ War ]

bá·kang-bá·kang

png |[ ST ]
:
lupain o daan na may malalakíng bitak.

ba·kán·te

png |[ Esp vacante ]
1:
posisyon na walang gumaganap : VACANCY
2:
bahay o gusali na walang umookupá : VACANCY

ba·kán·te

pnr |[ Esp vacante ]
1:
kung sa trabaho o tungkulin, walang gumaganap : EMPTY2, VACANT
2:
kung sa bahay o gusali, walang nakatirá o walang umookupá : EMPTY2, VACANT

ba·kár

png |[ Ilk ]
:
malaking sisidlan o basket : LABBÁ1

bá·kar

png |Ark |[ ST ]

ba·ká·ran

png |Zoo |[ ST ]
:
ásong kulay putî at may batík-batík na itim : BAKARBÁN, BAKABÁN

ba·kar·bán

png |Zoo |[ ST ]

ba·kás

png |[ Kap ST Tau ]
1:
marka ng yapak ng tao o hayop : ÁGI, FOOTPRINT, GÍRA1, LAKÁW1, TIÚNOB, TIYÁGI, TUGÓT, TUNÓB1
2:
palatandaang pagkakakilanlan sa isang bagay o pangyayaring nakalipas na : DASTÔ
3:
Med pilat ng isang sugat.

bá·kas

png |[ Bik Hil Ilk Kap Pan Seb ST War ]
:
pagsasáma-sáma sa negosyo o sugal : KALAMÁAM2 Cf PARTNERSHIP, SÓSYO

ba·ká·sa

png |[ Ilk ]
1:
naiiwang alat o asin tuwing káti ng dagat

ba·kâ-sa·ka·lì

pnb
:
pakikipagsapalaran sa anumang gawain ; kawalan ng katiyakan.

ba·kas·yón

png |[ Esp vacacion ]
1:
isang mahabàng yugto ng liwalíw, lalo na yaong ginugol malayò sa tahanan o sa pamamagitan ng paglalakbay : HOLIDAY2, VACATION
2:
ang pag-iwan sa anumang pinagkakaabalahan : HOLIDAY2, VACATION
3:
isang takdang yugto ng pahinga sa pagitan ng mga semestre o term sa paaralan at sa hukuman : HOLIDAY2, VACATION Cf LIWALÍW — pnd i·ba· kas·yón, mag·ba·kas·yón.

ba·kas·yo·nís·ta

png |[ Esp vacacion+ ista ]
:
tao na nagbabakasyon : VACATIONER, VACATIONIST

ba·kas·yú·nan

png |[ bakasyon+an ]
:
pook na pansamantalang pahingahan.

ba·kát

png
1:
[Kap Tag] markang naiwan ng idiniin na larawan : BALKÁT, GANNÁ, GÍRA2, TIMÁAN, TRACE
2:

ba·kát

pnd |ba·ka·tín, i·ba·kát, mag·ba·kát
:
kopyahin, karaniwang sa pamamagitan ng pagpapatong ng manipis na papel sa ibabaw ng nais kopyahin : TRACE3

bá·kat

png |Med |[ ST ]

ba·ká·tin

png |Zoo |[ Hil ]
:
ilahas na baboy.

ba·káw

png |Zoo
1:
ibon na may maikli at bilóg na pakpak at mahabà ang daliri sa paa : BAKÓ2
2:
uri ng tagák (Butorides striatus ) na may halò-halòng kulay abuhin at lungtian ang balahibo : YÓHO

ba·ká·wan

png
1:
2:
tawag sa mumurahing sigarilyo na gawang bahay
3:
pook na maraming punongkahoy na bákaw o maraming ibong bakáw.

ba·ká·wang-ba·bá·e

png |Bot

ba·ká·wang-la·lá·ki

png |Bot
:
punongkahoy (Rhizophora apiculata ), nakatukod ang mga nakatinghas na ugat, karaniwan sa ilog o anumang matubig na pook : PUTÚTAN

ba·káw-be·ngè

png |[ Kap ]

ba·káw-ga·bí

png |Zoo
:
tagak-gubat (Nycticorax caledonicus ) na may namamayaning kulay kayumangging balahibo at gabí kung maghanap ng pagkain : BAKÁW-BENGÈ, NIGHT-HERON

ba·káy

png |[ ST ]
:
basket na maluwang ang itaas na bahagi at makipot ang ibabâ.

bá·kay

png
1:
[ST] pagmamasid o pagmamanman sa mga táong dumaratíng o dumaraan : BANTÁY2, BANTÉ, DÁKAY, SAÉD
2:

ba·ka·yáw

png |Bot |[ ST ]
:
isang uri ng palay.