gap
ga·pá·gap
png |[ Ilk ]
:
tábas, karaniwan sa tela o kahoy.
ga·pák
png |[ ST ]
:
dalag na tinapá o pinausukan.
gá·pak
png
2:
[Ilk]
pira-pirasong metal o garapa
3:
[Mag]
kahoy na pakalóg
4:
[Seb]
gulo o anuman para matigil ang isang pangyayári.
gáp-ak
png |[ Seb ]
:
pagdapurak sa damuhan.
ga·páng
pnr
1:
laganap na o kalát na
2:
malago, gaya ng baging.
gá·pang
png
1:
2:
pagpapakasákit na maitaguyod ang layunin sa kabilâ ng mga balakid — pnd ga·pá·ngin,
gu·má· pang,
i·gá·pang
3:
kilos na mabagal, palihim, pailalim, o panakaw
4:
malaganap na paglago ng mga tangkay, dahon, at baging ng haláman
5:
pagkalat ng likido nang hindi pantay
6:
Bot
[Hil Pan Seb]
halámang itinatanim sa pamamagitan ng suwi.
ga·pa·ngán
png |[ gápang+an ]
1:
sabay-sabay na paggapang
2:
daan ng mga langgam, anay, at katulad
3:
balag o talubsok na inilaan sa pag-gapang ng halámang baging, anumang katulad.
gá·pang·su·sô
pnd |gu·má·pang·su·sô, mang·gá·pang·su·sô |[ ST ]
:
gumawâ nang dahan-dahan.
gá·pas
png
1:
2:
pagsakate sa mga dahong pagkain ng hayop — pnd ga·pá·sin,
gu·má·pas,
mang·gá·pas
3:
[Esp gafa]
salamin sa matá
4:
Bot
[Bik Mnd Seb War]
búlak1
gap·gáp
png |[ Ifu ]
:
multa sa paniniràng-puri.
ga·pí
png |[ ST ]
:
pagputol ng mga tangkay.
ga·pì
png
1:
pagtálo o pagpapasuko sa kalaban sa pamamagitan ng lakas — pnd ga·pí·in,
mang·ga·pì
2:
pagbalì sa sanga ng punongkahoy — pnd ga·pí·in.
gá·pol
png |[ ST ]
:
lason na nakamamatay.
ga·póng
pnr
:
[ST]
putól o pinútol.
ga·pós
pnr
:
nakatalì ; hindi makakilos o walang laya dahil sa pagkakatalì.