hapa
ha·pák
pnr
:
tinadtad, tinilad.
há·pak
png
1:
[ST]
pagkahulog o pagkawasak
2:
[ST]
paglakad na malalaki ang hakbang
3:
[Tau]
pagkatuyô ng buhok.
há·pang
png |Ntk
:
maliit na bangka na may katig.
ha·páw
png
1:
[ST]
panaklob sa sinaing na bigas
2:
[ST]
halapáw
3:
[ST]
paggawâ o pagsasabi ng isang maliit o mababaw na bagay
4:
Lit
pag-uulat, paglalarawan, o pagkukuwento tungkol sa isang bagay sa paraang pabuod o paimbabaw.
há·paw
png
1:
sobrang tubig ng kumukulông sinaing na kadalasang tinatanggal upang gumanda ang pagkakaluto ng kanin : PAWPÁW2
2:
há·pay
pnd |ha·pá·yan, hu·má·pay, ma·pa·há·pay
:
kumiling ; mawala sa tuwid na pagtayô.
ha·pa·yán
png |Ark |[ Ifu ]
:
bigàng lalagyan ng kibal.