i•pá-
pnl
1: unlapi para sa mga pandiwa na may pokus akusatibo at binago mula sa magpa- upang hingin sa isang tao na gawin ng isa pang tao ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa, hal “Ipakuha mo ang libro.” “Ipaguhit mo ang mapa.”
2: unlapi para sa mga pandiwa na may pokus akusatibo at binago rin mula sa magpa- upang ipagawâ sa isang tao ang kilos na hinihingi ng nagsasalita, hal “Ipakíta mong malakas ka.”
3: unlapi para sa inuulit na salitâng-ugat upang ipahayag ang isang medyo nangangaral na hiling para gawin ang isang bagay, hal “Ipalinis-linis naman ang bahay.”