halaw


ha·láw

pnr |pa·ha·láw
1:
[Seb Tag] hapáw
2:
Agr pinilì, gaya ng ginagawâ sa mga butil ng palay Cf HÍRANG1, HÚGOT2
3:
may putî na ang buhok : MALAÚBAN
4:
tingnan pangngalang halaw.

há·law

png
1:
[ST] pagbúnot ng mga tinik
2:
Lit paggamit ng siniping salita o pangungusap o bahagi ng isang akda o pahayag
3:
Lit sa pagsasalin, isang paraan ng pagbibigay ng dagdag na paliwanag o pagdudulot ng higit na payak na salita katumbas ng akda o pahayag na isinasalin, tinatawag ding “malayang salin ” at “paraprase.”

ha·law·háw

png |[ ST ]
:
paghahanap nang may pag-iingat.