hiling


hi·líng

png
1:
ka·hi·lí·ngan ang hinihingi : ÁMPIT2, DÁWAT3, HÁGAD4, HANGYÒ1, KERÉW, KÍDDAW, PANGÁBAY, PANGAYÒ, SOLISITÚD, WISH Cf REQUEST
2:
ka·hi·lí·ngan, pag·hi·líng pormal at magálang na paghingi na gawin o ibigay ang isang bagay : ARÁNG, CLAIM4, HÁBOL4, KAYADWANÁN, PETISYÓN1, SOLISITÚD, WISH — pnd hi·li·ngán, hi·li·ngín, hu·mi·líng
3:
tuon ng lihi o kursunada
4:
[Bik] tingín.

hí·ling

pnd |maghíling, humíling
1:
[Hil] ibaling ang tingin
2:
[Seb War] maghanap nang buong sigasig.

hi·lí·ngan

png |[ hiling+an ]
:
tao o opisina na hinahainan ng mga petisyon, kahilingan, apela, at katulad.