kabal
ka·bál
png
1:
Mit
[Bik Hil Kap Tag]
mahiwagang likido o agimat na gi-nagamit upang huwag tablan ng bá-la o patalim
2:
3:
[Ilk]
balutì
4:
[ST]
yamot o inis na nagdudulot ng pa-nginginig, gayundin ang pangi-nginig ng tuhod kapag nagsasalita sa harap ng maraming tao.
ka·bál
pnr |Alp
:
hindi nasasaktan ang damdamin.
ká·bal
png
1:
Bot
punongkahoy (Frag-raea raemosa ) na tumataas nang 6 m, matabâ at biluhabâ ang dahon, at may putîng bulaklak at balakbak na napagkukunan ng gamot laban sa kagat ng ahas : libakan,
talob-álak
2:
Bot
[ST]
malalaking priholes
3:
Med
[ST]
paglakí ng tiyan dahil sa lamig, o pagkaempatso.
ka·ba·lán
png |[ ST ]
:
táong gumagamit ng kaniyang pangkulam.
ka·bá·lan
pnr |[ ST ]
:
malaki ang tiyan dahil sa pagkain ng anumang hindi matunaw.
ka·ba·lan·táy
png |[ ka+balantay ]
1:
anumang katabi o karugtong ng isang bagay
2:
pag-aari, tulad ng lu-pa, na karugtong o kalapit nitó.
ka·ba·lát
png |[ ka+balát ]
:
tao na nabibílang sa isang lahi.
ka·bal·gá·ta
png |[ Esp cabalgata ]
:
pangkat ng mga tao na nakasakay sa kabayo o karwahe.
ka·ba·li·án
png |Ana |[ ka+bali+an ]
:
dunggot o dulo ng ilong.
ka·ba·li·kán
png |[ ka+balik+an ]
:
panig na panloob o pang-ilalim ng isang damit.
ká·bal-ká·bal
png
1:
[ST]
pagkagitla ng puso dahil sa tákot
2:
Say
[Tau]
sayaw na ginagaya ang pagtatalik ng mga paruparo.
ka·ba·ló·nga
png |Bot
:
patolang gubat.
ka·bal·yás
png |[ Esp caballa+s ]
:
uri ng bag na isinasaklalay sa likod ng kabayo o kalabaw.
ka·bal·ye·rí·sa
png |[ Esp caballeriza ]
:
kuwadra ng kabayo.
ka·bal·yé·ro
png |[ Esp caballero ]
1:
2:
3:
Bot
malaking punongka-hoy (Delonix regia ), may dahong bahagyang mabalahibo, maliliit at pares-pares sa isang tangkay, malalaki ang bulaklak na kaakit-akit at kulay pulá o pulá at dilaw, katutubò sa Madagascar at ipinasok sa Filipinas noong panahon ng Español : arbol del fuego,
fire tree,
flame tree,
flamboyant tree,
royal poinciana
4:
Bot
masanga na palumpong (Cesal-pinia pulcherrima ) na 5 m ang taas, may dahong maliliit at pares-pares sa mga tangkay na nakakabit sa payat na sanga, at may bulaklak na pulá o dilaw, katutubò sa Tropikong America at ipinasok sa Filipinas noong pana-hon ng Español.
ka·bal·ye·ro·si·dád
png |[ Esp caballe-rosidad ]
1:
Mil Pol
sa panahong feudal sa Europa, ang pagiging kabalyero
2:
pagiging maginoo.
ka·bal·yé·te
png |[ Esp caballete ]
1:
Ark
pantakip o proteksiyon sa palupo ng bubong, yarì sa kahoy, tisà, o yero
2:
katangan sa paglalagari : sakláng2
3:
sa limbagan, lalagyan ng kaha ng mga tipo
4:
Sin
nakata-yông balangkas na karaniwang yarì sa kahoy, at nagsisilbing patungán ng likha ng pintor o ilustrador : easel2