min
mi·na·bú·ti
pnr |[ may+in+búti ]
:
nagsasaad ng pagkukusang isakatuparan ang isang bagay o gawain at may layong magbunga yaon ng mabuti o maganda.
mi·na·lón
png |[ ST ]
:
uri ng kumot na may kulay.
mi·na·lóng
png |[ ST ]
:
uri ng kumot na makulay mula sa Bisayas.
mi·ná·nga
png |Heo |[ Ilk ]
:
bungad ng ilog.
mí·na·rét
png |Ark |[ Ing Ara ]
:
tore sa masjid para sa pagtawag sa mga mananampalataya sa oras ng panalangin.
mi·na·yók
png |Ntk |[ ST ]
:
uri ng malaking sasakyang-dagat.
mínce (mins)
pnd |[ Ing ]
:
magtadtad o tadtarin ng pino.
mind (maynd)
pnd |[ Ing ]
1:
sumunod o sundin
2:
mag-alaga o alagaan
3:
mag-intindi o intindihin
4:
magtanda o tandaan
5:
mag-ingat o ingatan.
Mindanao (min·da·náw)
png |Heg
:
pangalawa sa pinakamalaking pulo ng Filipinas, 36,537 milya kuwadrado ang lawak.
Min·dó·ro
png |Heg
:
pulo sa Filipinas, matatagpuan sa timog kanlurang Luzon.
mindoro pine (min·dó·ro payn)
png |Bot |[ Ing ]
:
pino (Pinus merkusii ) na kahawig sa pangkalahatan ng benguet pine ngunit dalawahang kumpol ang tíla karayom na dahon, at matatagpuan sa mga gubat na mababà ang altitud gaya sa Mindoro at Zambales.
mín·du
png
:
sa Muslim, isa sa mga kasapi na nakapagnakaw at nakapatay.
mine (mayn)
pnh |[ Ing ]
:
ákin ; ko.
minefield (máyn·fild)
png |[ Ing ]
1:
pook na tinamnan ng mga mínang pampasabog
2:
sitwasyon na nag-sasaad ng mga hindi nakikítang suliranin.
mí·ne·rál, mi·ne·rál
png |Heo |[ Ing Esp ]
1:
alinman sa uri ng hindi organikong substance, at may tiyak na komposisyong kemikal na karaniwang may katangian ng estrukturang kristalina
2:
substance na nakukuha sa pagmimina.
mineralogy (mi·ne·rá·lo·dyí)
png |[ Ing ]
:
siyentipikong pag-aaral sa mga mineral.
mi·nér·ba
png |[ Esp minerva ]
:
maliit na mákináng linotipya.
minesweeper (mayn·swí·per)
png |[ Ing ]
:
sasakyan na ginagamit sa paglilinis ng mga mínang nakalu-tang sa tubig o nakabaón sa lupa.
mí·ngaw
pnr |[ Hil Seb War ]
:
malungkót, mapánglaw.
ming·kál
pnr
:
may gatas, gaya ng súso ng ina.
míng·kal
png |[ ST ]
:
súso ng babae na punô ng gatas.
ming·míng
png |[ ST ]
:
pagsunggab sa tao na matigas ang ulo.
míng·ming
png |[ Ilk ]
:
tao na marunong manghulà.
mí·ni
png |Kol
:
pinaikling miniskirt.
mí·ni-
pnl |[ Ing ]
:
nagsasaad ng napakaliit.
mi·ni·fún·di·yó
png |Agr |[ Esp mini-fundio ]
:
noong panahon ng Español, maliit na lupang pag-aari.
mí·ni·mál
pnr |[ Ing ]
1:
pinakamaliit o pinakamababà kung sa súkat, tagal, at katulad : MÍNIMÓ
2:
nilalarawan sa paggamit ng mga anyo at estrukturang simple at elemental ; o inilalarawan sa pag-uulit ng maiikling parirala o prase : MÍNIMÓ
mi·ni·ma·lís·mo
png |Sin |[ Esp ]
1:
praktika o pagtataguyod ng paraang minimal : MINIMALISM
2:
kalakaran sa pagpipinta o eskultura noong mga taóng
mi·ní·ma·líst
png |[ Ing ]
1:
Sin
tao na nagtataguyod o nagsasagawâ ng minimalismo sa sining o musika
2:
tao na nagtataguyod ng minor o katamtamang reporma sa politika.
ministry (mí·nis·trí)
png |[ Ing ]
1:
Pol
kagawaran ng pamahalaan na pinamumunuan ng ministro ; o ang gusaling tinatahanan nitó : MINÍSTÉRYO2
2:
bokasyon o propesyon ng isang ministrong panrelihiyon ; o ang opisina nitó
3:
lupon ng mga ministro ng isang pamahalaan o relihiyon
4:
Pol
habà ng panahon ng isang pamahalaan na nâsa ilalim ng Prime Minister.
mink (mingk)
png |[ Ing ]
1:
Zoo
uri ng mala-akwatikong hayop (genus Mustela )
2:
makapal na balabal na gawâ mula dito.
mín·now
png |Zoo |[ Ing ]
:
maliit na isdang-tabáng (Phoxinus phoxinus ).
Minoan (mi·nów·an)
png |Ant Lgw |[ Ing ]
1:
may kaugnayan sa sibili-sasyon ng Edad Bronse, pangunahin sa Crete
2:
ang mga tao dito o ang wika nitó.
mi·nor·yá
png |Pol |[ Esp minoria ]
Minos (máy·nos)
png |Mit |[ Ing Gri ]
:
maalamat na hari ng Crete, anak nina Zeus at Europa.
Minotaur (mí·no·tór)
png |Mit |[ Ing Gri ]
:
dambuhalang may katawang gaya ng sa tao at ulo na katulad ng toro, anak ni Pasiphae, at ikinulong ni Minos sa laberinto na gawâ ni Daedalus.
mín·san
pnb
3:
muli, gaya sa “Minsan mo pang sabihin. ”
min·sá·nan
pnr |[ minsan+an ]
:
may bisà para sa marami, hal gamot na lumutas sa maraming peste, o isang bayad para sa maraming utang : LANSAK2
mín·san·do·wâ
pnb |[ ST ]
:
minsan o bihira, gaya sa “Minsadowa lámang naparito. ”
míns·trel
png |Mus |[ Ing ]
1:
noong Edad Medya, mang-aawit o musiko na umaawit o tumutula
2:
tao na umaaliw sa mga suki sa pamamagitan ng pag-awit, pagpapatawa, at katulad.
Mín·su·pá·la
png |Heg
:
pinaikling tawag ng pinagsáma-sámang Mindanao, Sulu, at Palawan.
mint
png |[ Ing ]
1:
2:
kendi na idinudulot pagkaraan ng tanghalian o hapunan
3:
kending nginangata
4:
gawaan ng sensilyo, salaping papel, at natatanging medalya sa ilalim ng pangangasiwa at awtoridad ng pamahalaan.
min·tù
png |[ Kap ]
:
tupád1 o pagtupád.
minuend (mín·yu·wénd)
png |Mat |[ Ing ]
:
kantidad o bílang na binabawasan o pinagbabawasan.
minuet (mí·nyu·wét)
png |[ Ing Fre menuet ]
1:
2:
Mus
ang musika nitó, o musika sa katulad na ritmo at estilo, karaniwan bílang galaw sa isang suite, sonata, o simponiya : MINWÉ
mi·nú·nga
png |Bot
minus (máy·nus)
pnr |[ Ing ]
1:
Mat
may negatibong bílang o halaga
2:
Ele
may negatibong karga.
minus (máy·nus)
png |[ Ing ]
1:
Mat
negatibong kantidad, may simbolong (–) para sa subtraction
2:
sa temperatura, mababà sa zero.
minus one (máy·nus wan)
png |[ Ing ]
1:
pagbabawas ng isa
2:
Mus
teyp ng musika na walang tinig ng orihinal na mang-aawit.
mi·nu·té·ro
png |[ Esp ]
1:
isa sa tatlong kamay ng relo at nakalaan sa pagtatakda ng minuto ang tungkulin
2:
tao na may tungkuling subaybayan ang paglipas ng minuto.
min·ya·tu·rís·mo
png |Sin |[ Esp miniaturismo ]
:
estilo ng pagpipinta ng larawang minyatura na nagpapamalas ng pinakamaliit na detalye, at itinatagò ang anumang bakás ng pinsel.
min·yá·tu·rís·ta
png |Sin |[ Esp miniaturista ]
:
tao na gumagawâ ng minyatura.
min·yò
png |[ Seb ]
:
may asawa.