mula
mu·lâ
pnr
:
kinuha, ibinatay, o hinango ; karaniwang dinurugtungan ng sa, kinuha sa, ibinatay sa, o hinango sa.
mu·lâ
pnt
:
tumutukoy sa panahong namagitan, sa panahong binanggit, at sa panahong isinasaalang-alang, karaniwang may katambal na “hanggang,” nagsasaad ng simula ng isang kilos, proseso, at katulad na pangyayari hal, “mula U.P. hanggang EDSA ” : FROM1
mu·là·an
png |[ mula+an ]
1:
pook, tao, o lugar na pinagbubuhatan o nakukuhanan ng isang bagay : SOURCE
2:
sa pagsasalin, ang wika ng orihinal na teksto o akda.
mu·lá·ga
png |[ ST ]
:
pagiging mulát ang mga matá.
mu·la·gát
pnr |[ Kap Ilk Tag ]
:
dilát na dilát at hindi kumukurap.
mu·la·là
pnr |[ Kap ]
:
tunggak at mahinà ang ulo.
mu·lan·bu·wát
png |[ ST ]
:
simula o batayan na anumang bagay.
mu·lan·dá·naw
png |[ ST ]
:
mga unang patak ng ulan.
mu·lang·di·lím
png |Asn |[ ST ]
:
unang araw ng pagliit ng buwan.
mu·lát
pnr
1:
[ST]
maliwanag at malinaw
2:
[Kap ST]
bukás, kung sa matá
3:
[Kap ST]
may sapat na kaalaman.
mú·lat
png
1:
pag·mú·lat pagbukás ng matá
2:
pag·mu·mú·lat pagtutu-rò ng kaalaman at mga kailangan sa búhay hábang lumalaki ang isang batà.
mu·lá·to
png pnr |Ant |[ Esp Ing mulatto ]
:
anak o nagmula sa pinaghalòng lahi.
mu·la’t sa·púl
pnb |[ mula+at+sapul ]
:
mula’t mulâ.
mu·lá·win
png |Bot |[ Hil Kap Seb Tag War ]
mu·láy
pnd |i·mu·láy, mag·mu·láy, mu·la·yín |[ ST ]
:
hatiin o pagpira-pirasuhin.
mu·láy
png
:
sa Batangas, baryá1–2
mu·la·yíng
png |[ ST ]
1:
pag-aari o lupain na ibinigay sa aliping tagapagsilbi upang ito’y kaniyang pakinabangan
2:
isang bahagi ng ari-arian na ibinibigay ng ama o ina sa isang anak.