pari


pa·rì

png |[ Esp padre ]
:
ikalawang antas ng pagiging klerigo, higit na mababà sa obispo : DIBÍNO2, FATHER2, PRÉSBITÉRO, PRIEST1, SASERDÓTE var parè Cf IMÁM, KURA

pa·rí·a

png |Bot
:
maliit na punong-kahoy (Myristica simiarum ), may biluhaba at balahibuhing kumpol na bulaklak, at nakukunan ng langis na gamot sa pangangati o sakít sa balát : POKÍPOK

pariah (pa·rá·ya, pa·rí·ya)

png |[ Ing ]
1:
tao na itinakwil
2:
sinumang tao o anumang hayop na hinahamak.

pa·ri·án

png |[ ST ]
:
plasa o pook na gina-gamit na pamilihan.

parietal (pa·ráy·tal)

png |Ana |[ Ing ]

pa·ri·ha·bâ

png |Mat |[ pari+habà ]
:
parallelogram na may apat na ang-gulong 90° ang súkat ng bawat isa : QUADRATE, RECTANGLE, REKTÁNGGULÓ

pa·ri·ká·la

png |[ ST ]
1:
Lit apaggamit ng salita na kasalungat ng literal ang tunay na kahulugan bisang obhetibo at mapang-uyam na paraan ng pagsulat o pagpapahayag : IRONÍYA, IRONY
2:
Lit paraan ng pagbuo sa isang akda upang ganap na maipaha-yag ang nása salungat o nagsusuha-yang damdamin, idea, at katulad, lalo na upang ipahiwatig ang hindi pakikialam sa paksa : IRONIYÁ, IRONY
3:
pangyayari na salungat sa inaa-sahan : IRONÍYA, IRONY var panikalâ

pa·ri·kít

png |[ ST pa+dikit ]
1:
pam-paganda o pampalamuti
2:
hindi matapat na pahayag
3:
pagpapa-dingas ng apoy o anumang ginagamit na pampadingas, gaya ng papel at kúsot : GÍPONG

pa·ri·kít-bang·kâ

png |Zoo |[ pa+dikit-bangka ]
:
maliit na isda (Echeneis naucratea ), payat ang katawan, may sapád na ulo na may nakakabit na pansipsip sa ibabaw at humahabà nang 60.96-76.20 sm : KÍNI, REMÓRA, SUCKERFISH

pa·rík·pa·rík

png |Zoo

pa·ríl

pnr
:
pinitpit nang hindi pantay, karaniwang ginagawâ sa kahoy.

pa·ríl

png
1:
[ST] kahoy na kinalup-kupán ng manipis na materyal dahil hindi mainam ang pagkakatabas dito
2:
[Bik Seb] pader.

pa·ríl·ya

png |[ Esp parilla ]
:
kasangka-pang pangkusina na binubuo ng magkakaagapay na metal o alam-breng ginagamit na ihawán.

pa·rí·na

png |Bot |[ Bik ]

pa·ri·na·yón

png |[ ST ]
:
likod ng bintî na payagód at walang lamán kaya mistulang bumbong ng kawayan.

pa·ring·pá·ding

png |[ War ]

Pa·rí·ni!

pdd |[ pa+díni ]
:
varyant ng Paríto!

pa·ri·níg

png |[ pa+dinig ]
:
bagay na hindi sinasabi nang tuwiran sa kinauukulan : PAÁBAS2, PARUNGGÍT1, PATAMÀ4, PATUTSÁDA2 — pnd i·pa·ri· níg, mag·pa·ri·níg, pa·ri·ni·gán.

pa·rín·las

png |Bot
:
mababàng punong-kahoy (Micromelum compressum ) na mabalahibo ang tangkay at dahon, may mabangong bulaklak, may bunga na bilóg at nagiging dilaw kapag hinog, at ginagamit na puluhan ng bolo ang kahoy : BÁSAR-BÁSAR, BINTÍNG-DALAGA2, BÚNTOG, BURÍNGOT, HAGÁSIN, KARINBUBWÁ, KÍTINGKÍTING, LÁNGIN2, MALAHÍPAY, MALALÚPAY, PÁN-YAS PÁNYAS, PÍRIS, PULÉT

pa·rin·tú·meng

png |[ Ilk ]

pa·ri·pá

pnb |[ pa+dipa ]
:
sa anyong nakakrus o nakadipa.

pa·ri·rá·la

png
1:
[ST] pagkakasundo ng mga nag-aalit : PARÓLI2
2:
[ST] pagtatamo ng ginhawa mula sa iba
3:
[ST] pagpapalakas sa loob ng iba sa pamamagitan ng halimbawa
4:
Gra dalawa o higit pang salitâng magkakarugtong sa isang pangungu-sap at nagpapahayag ng isang diwa ngunit walang simuno at panaguri, hal sariwang gatas, sa paaralan : PHRASE, PRÁSE
5:
Gra isang maikling pananalita : MÚGBONG, PHRASE, PRÁSE

pá·ris

png
:
varyant ng pares.

Pa·ri·sé·o

png |[ Esp fariseo ]
1:
isa sa matatandang sekta ng mga Hudyo na naniniwala sa bisà ng batas na pabigkas at sa malayang pagpapa-kahulugan ng batas na pasulat, sa pamamagitan ng pagtuklas sa lihim na kahulugan : PHARISEE1
2:
tao na nagsasagawâ o hayagang nagtata-gubilin ng mahigpit na pagtalima sa panlabas na anyo at seremonya ng relihiyon nang walang pagpapa-halaga sa diwa nitó.

parish (pá·ris)

png |[ Ing ]

pa·ri·síd·yo

png |Bat |[ Esp parricidio ]
:
pagpatay sa sariling ama : PARRICIDE

pa·ri·su·kát

png pnr |Mat |[ Kap ST pari +sukat ]
:
uri ng parihaba na may magkakasinghabàng gilid : KINAHÓN, KUWADRÁDO, QUADRATE, QUADRÁ-TIK1, QUADRÁTIK FORM1, SQUARE1, TÁ-PIL2

pa·ri·ta·án

png |[ ST ]

pa·rí·tan

png |[ Kap ]

Pa·rí·to!

pdd |[ pa+dito ]
:
Pumunta dito! var Parini! Cf PARIYÁN! — pnd pa·pa· ri·tú·hin, pu·ma·rí·to.

pa·rit·pít

png |Ark |[ Pan ]

pa·ri·tú·lot

png |Bot

parity (pá·ri·tí)

png |[ Ing ]
:
pagkakapan-tay sa kalagayan, kapangyarihan, at iba pa.

pa·ri·wa·rá

png |[ pa+diwará ]
:
tao na nagdudulot ng masamâng kapalaran sa iba : PAHÁMAK, PAROÓL

Pa·ri·yán!

png |[ pa+diyan ]
:
Pumunta diyan! Cf PARÍTO!, PAROÓN! — pnd i·pa·ri·yán, pu·ma·ri·yán.

pa·ri·yé·tal

png |Ana |[ Esp parietal ]
:
alinman sa pares ng buto na bahagi ng gilid at itaas ng bungo : PARIETAL