pinto


pin·tô

png |Ark |[ Bik Mag Mrw Pan Tag ]
:
anumang harang sa isang daánan o lagúsan, gawâ sa kahoy, salamin, o metal, at nakakabit sa pamamagitan ng bisagra : DOOR, GANGHAÁN, KAPÚT2, LÁWANG3, RÍDAW, PANTÁW2, PASBÚL, PÓRTA, PÚLTA, PUWÉRTA1, RUWÁNGAN

pin·tóg

png
:
pamamagâ o pag-alsa ng anuman, gaya sa pintóg ng prutas o lobo : BINTÓG, LINTÓG1 — pnr ma·pin·tóg. — pnd mag· pa·pin·tóg, pa·pin·tu·gín, pu·min·tóg

pin·tón

png
:
matong na mataas, yarì sa nilálang tilad ng kawayan, at pinag-iimbakan ng bigas.

pin·tóng

png
1:
malaking mátong para sa pag-iimbak ng palay
2:
pag-iimbak ng produkto gaya sa isang bodega.

pin·tór

png |[ Esp ]
1:
Sin tao na gumu-guhit ng mga larawang may kulay, karaniwan sa kambas : PAINTER
2:
tagapahid ng pintura, gaya sa mga bahay : PAINTER

pin·tór-ku·lá·pol

png
:
pintor na baguhan o hindi nagdaan sa pormal na pag-aaral.