ray
ray (rey)
png |[ Ing ]
1:
Pis
sínag2
2:
Mat
isang tuwid na linya na humahaba mula sa isang púnto
3:
Zoo
páge.
ra·ya·díl·yo
png |[ Esp rayadillo ]
:
telang cotton na guhitan.
ra·yá·do
png |[ Esp ]
:
paglilimbag ng guhit o paglalagay ng disenyong guhit sa tela.
rayon (ré·yon)
png |[ Ing ]
1:
alinman sa iba’t ibang himaymay ng tela na yarì sa cellulose
2:
telang yarì sa himaymay na ito.
rá·yos
png |[ Esp rayo+s ]
1:
mga bára o rod na nakaayos nang pasinag mula sa gitnang bahagi ng gulóng at tumutukod sa rim : KINSÍKINSÍ3,
SPOKE
2:
mga sinag, gaya ng rayos X.
ra·yú·ma
png |Med |[ Esp reuma ]
:
anumang karamdaman na nagdudulot ng pamamagâ at kirot sa mga kasukasuan, kalamnan, o mga himaymay : REUMA,
RHEUMATISM