pitak


pi·ták

png |[ Kap ]
:
putik o lusak sa ilalim ng batalan.

pí·tak

png
1:
[Bik Kap Tag] bawat bahagi o hati ng isang sisidlan : ALÚD, BÁHIN1, BAHÍN2, PITTÁ, PUÓT
2:
Agr sa bukid, ang bawat hati ng lupang naliligid ng pilapil : HINALÍGI, RÁYA3
3:
sa diyaryo, kolum2

pi·ta·kà

png |[ Esp petaca ]
:
pambulsang sisidlan ng salapi, yarì sa katad o iba pang bagay : BILLFOLD, KALUPÌ2, KARTÉRA1, UNTÓN3, WALLET Cf BAG, LUKBÚTAN

pí·tak-pí·tak

pnr
:
hinati sa maliliit na bahagi, hal parisukat.