samo
sa·mò
png |pag·sa·mò, pag·su·su·ma·mò
:
madamdaming paghiling na gawin o ibigay ang isang bagay : LÚHOG,
PANAMBÍTAN2,
PANIKLUHÓD1,
PLEADING,
SUIT4,
SUPLIKASYÓN,
SUPPLICATION Cf PAKIÚSAP
sá·mok
png
1:
[ST]
paggulo sa isang tao na nagsasalita o kumakain
2:
[ST]
dáyo1
3:
[Hil Seb War]
ligálig2
4:
[Hil Seb War]
bulábog.
sa·mó·sa
png
:
pastry na may palamáng gulay o karne na maanghang at ipinirito.
sá·mot
png |[ Bik ]
:
pagtatabí ng pagkain.
sa·mó·var
png |[ Ing Rus ]
:
sisidlan ng tsaa na nagpapanatili ng init ng tubig.