haba


ha·bà

png
1:
sukat sa pagitan ng magkabilâng dulo : HÁBA, LABÀ, WÁLAT3 Cf BÚNGYOD
2:
tagal ng pangyayari o pagsasagawâ ng anuman : LABÀ, WÁLAT3

ha·bâ

pnr
1:
may hugis na mahabà kaysa karaniwan : BULANDÓNG, TAGIHABÂ
2:
mahabà at manipis : BULANDÓNG, TAGIHABÂ

ha·bâ

png |Zoo
:
isdang-alat (Ablennes hians ) na pahabâ ang katawan, karaniwang may sukat na 43.5–50 sm, patulís ang bibig na tíla tukâ, at kulay lungtian at putî ang katawan : BÁLO2, DÚAL, LAYÁLAY, TAMBÁWANG, TAMBILÁWANG

há·ba

png |[ Akl ]

ha·báb·hon

png |Zoo |[ Bik ]

ha·bág

png
:
pakiramdam ng lungkot at pagtulong sa kalagayan ng iba : AWÀ, BÉTEL1, HÉRAK, KALÚOY, LÚNOS1, MERCED, MERCY, PITY1, PUÁNGOD

há·bag

png |Zoo |[ Ifu ]
:
ilahas na manok Cf LABUYÒ1

ha·bá·gat

pnr |[ ST ]
:
nagkakasakít kapag nahanginan.

ha·bá·gat

png
1:
Mtr [Akl ST] hangin mula sa kanluran, karaniwang malakas, may daláng lamig at ulan : HABÁGAT-LÚBANG, PANGAGDÁN Cf AMÍHAN
2:
[Bik] tímog.

ha·bá·gat-lú·bang

png

ha·ba·gát·nan

png |[ Hil ]

Ha·bak·kúk

png |[ Heb Ing ]
1:
propetang Hudyo na nabúhay noong siglo 7 BC
2:
aklat sa Bibliya na taglay ang kaugnay na pangalan.

há·bal

png |[ Tau ]

há·bal-hábal

png |[ Ing hubble ]
:
motorsiklong ginagamit na sasakyang pampasahero.

ha·ba·lí·na

png |Isp |[ Esp jabalina ]

há·ba·ló

png |[ Tbo ]
:
pagbebenta ng magulang sa anak dahil sa matinding pagkakasála.

há·bam·bú·hay

png |[ haba+ng+buhay ]
:
varyant ng hábang-búhay.

ha·bán

png
1:
[ST] pagtatalik ng mga hayop
2:
[Bik] pagtangan sa bibinyagang sanggol.

ha·bán

pnr

ha·ba·né·ra

png |[ Esp havanera ]
1:
Say mabagal na sayaw Cubano
2:
Mus musika ng sayaw na ito.

ha·báng

pnr
2:
hindi pantay.

há·bang

pnt pnb

ha·bàng-á·lon

png |Pis |[ habà+ng alon ]
:
distansiya ng dalawang magkasunod na púnto sa isang alon na may magkatulad na yugto ng pagyanig : WAVELENGTH

há·bang-bú·hay

png |[ haba+ng+ buhay ]
:
kabuuan ng búhay var habambuhay

há·ban-ú·be

pnr |[ ST ]

há·bas

png
1:
Agr [ST] malaking lináng1
2:
[ST] pagkulo ng tubig
3:
[ST] maliliit na alon
4:
[ST] pagtanggal ng dahon ng yerba o mga tangkay sa pamamagitan ng paghampas
5:
laki o tipuno ng katawan
6:
Zoo kalyo o singaw sa bibig ng hayop, lalo na sa kabayo
7:
kabusugan sa pagkain o pagkasawà sa anuman Cf WALÂNG HÁBAS

há·bat

png
:
anumang kálat sa daan, gaya ng siít ng kawayan o kahoy.

ha·báy

png |[ Bik ]

ha·báy

pnd |i·pang·ha·báy, ma·ha·báy, mang·ha·báy
:
gumawâ o gumamit ng isang bagay sa paggawâ ng isang kilos na pangmalayuan, hal manghabay sa kalye.

há·bay

png |Psd
:
mahabàng lambat na panghúli ng kandulì.