tambal
tam·bál
png
1:
[ST]
yari sa dalawang pinagsamang piraso ng kahoy
2:
[ST]
hindi totoong testimonya
3:
Bot
[ST]
ugat na nakagagamot
4:
Bot
yerba (Eurycles amboinensis ) na 45 sm ang taas, may dahong malapad na hugis puso sa punò, at mga bulaklak na nása umbel, at putî o bughaw ang kulay : BRISBANE LILY
tam·bál
pnr |[ Kap Tag ]
:
magkapares o magkaugnay.
tam·ba·la·gí·say
png |Bot |[ ST ]
:
isang uri ng maliit na punongkahoy.
tam·bál-hu·lí
pnr |Gra
:
sa isang pantig, nauuna ang patinig kaysa katinig, hal um.
tam·ba·lí·sa
png |Bot
:
palumpóng na abuhin, mabalahibo, at may mga dahong salit salit na 15–30 sm ang habà : BÁRAWMÁRAW,
KABÁYKABÁY1,
PANGALÁNGAN
tam·bál-ú·na
pnr |Gra
:
sa isang pantig, pinangungunahan ng isang katinig ang isang patinig, hal sa.