• ta•ón
    png
    1:
    panahon na binubuo ng 365 araw at 366 kapag bisyesto; nahahati sa 12 buwan at nagsisimula sa 1 Enero
    2:
    habà ng panahong binubuo ng 365 araw, 5 oras, 48 minuto, at 45.51 segundo; tagal ng isang ganap na pag-ikot ng mundo sa araw
    3:
    a pag-kaganap nang magkasabay sa isang pook o panahon, gaya sa “nagkataon” b posibilidad ng gayong pangyayari
  • Bá•gong Ta•ón
    png | [ bago+na taon ]
    :
    unang araw sa buwan ng Enero
  • bi•si•yes•tóng ta•ón
    png | [ Esp Tag bisiesto+ taon ]
    :
    leap year
  • ta•ón lí•gid
    png | Psd
    :
    pansilo ng isda, gawâ sa nilálang patpat ng kawayan.