abo
a·bó·bor
png |[ ST ]
1:
likod ng maliit na patalim o punyal
2:
Bot
ubod ng punò ng kahoy.
a·bóg
pnr
:
malimit na nása anyong negatibo, gaya sa “walang abóg, ” “walang kaabóg-abóg, ” walang nakaalam o nakarinig.
a·bo·ga·díl·yo
png |[ Esp abogadillo ]
:
hindi kalipikadong tagapayo ukol sa mga legal na bagay.
a·bo·gá·do
png |[ Esp ]
:
tao na lisensiyadong magpayo tungkol sa batas at maging kinatawan ng kliyente sa hukuman, a·bo·gá·da kung babae : ATTORNEY,
BARRISTER,
COUNSEL2,
HURÍSKONSÚLTO,
LAWYER,
MANANANGGÓL var abugádo
a·bo·gas·yá
png |[ Esp abogacía ]
:
a·bó·gong
png |Bot |[ ST ]
:
mapait na tugî.
a·bo·ká·do
png |Bot |[ Mex Esp aguacate Ing avocado ]
:
malaki-laking punongkahoy (Persea americana ) na 20 m ang taas, eliptiko at matigas ang dahon, at may bungang biluhabâ na berde kung hilaw at nagiging morado kapag hinog, ang lamán sa loob ay berde at dilaw at kinakain, katutubò sa Timog America at ipinasok sa Filipinas noong panahon ng Español : ALLIGATOR PEAR
a·bo·lis·yo·nís·ta
png |[ Esp abolicionista ]
:
tao na nagpapabuwag o nagpapawalang-bisa.
a·bo·má·sum
png |Zoo |[ Ing ]
:
ikaapat na tiyan ng ruminant.
á·bong
png
1:
kumakalat na usok o alikabok na nagpapalabo ng paningin sa isang pook, bagay, o pangyayari
2:
[Ifu]
kubo ng mahirap
3:
[War Seb]
hárang1-2
4:
[Ilk]
maliit na kubo na gawâ sa kugón, talahib, at katulad, maaaring bukás o may dingding, nagsisilbing pahingahan ng mga magsasaká sa bukid
5:
[ST]
direksiyon ng hihip ng hangin
6:
[ST]
pagsunod ng usok sa hangin
7:
[ST]
pagpapausok sa isang bagay.
á·bor
png |Bot |[ ST ]
:
nabubulok na bahagi ng punongkahoy, karaniwan sa bútas ng punò nitó.
a·bór-a·bór
png |[ ST ]
:
pagkabulok ng isda.
aborigine (a·bo·rí·dyi·ní)
png |[ Ing ]
1:
pinagmulang lahi ng tao
2:
orihinal na hayop at haláman sa isang pook.
a·bór·si·yón
png |Bat Med |[ Ing abortion ]
abortifacient (a·bor·ti·féy·syent)
png |Med |[ Ing ]
1:
pagpapalaglag sa hindi pa isinisilang na sanggol
2:
gamot na ginagamit sa paglalaglag ng sanggol.
a·bót
pnr |[ Bik Seb Tag Tau War ]
2:
ibigay ang isang bagay sa iba sa pamamagitan ng kamay — pnd a·bu·tán,
a·bu·tín,
i·a·bot,
mag-a·bót,
u·ma·bót.
á·bot
png |Mtr |[ Tag ]
:
kabilugan ng buwan na inaabutan ng pagsikat ng araw.
á·bot
pnd |a·bú·tan, mag·pang-á·bot, ma·ka·á·bot, u·má·bot
1:
makasabay ; masabayan : ÁBUT
2:
makasunod ; makahabol : ÁBUT
a·bót-a·gá·win
png |Ana
:
pinakagitnang bahagi ng likod na kahanay ng gulugod.
á·bot-ba·lí·ta
pnr
:
nararating ng balita.
a·bot·dán
png |[ ST ]
:
kanin na hindi maayos ang pagkaluto ; kaning nahilaw o nasunog.
á·bot-hi·yáw
pnr
:
nararating ng hiyaw var ábot-sigáw
á·bot-ka·máy
pnr
:
malapit na malapit na ; makukuha na.
á·bot-ki·sáp
png |[ ST ]
:
pagbukás at pagsara ng talukap ng matá.
á·bot-ku·ráp
pnr
:
madalas at hindi mapigil ang pagkurap.
á·bot-sá·bi
png
:
kalatas na inihahatid sa pamamagitan ng pasabi.
á·bot-sí·ko
pnr pnb
:
mahigpit ang pagkakatalì ng mga siko sa likod.
á·bot-ta·náw
png pnr
1:
pook na tíla tagpúan ng langit at ng lupa : GINTAÍPAN,
HORIZON1,
KAPUNÁW-PUNÁWAN,
ORISÓNTE,
PANGANÓRIN3
á·bot-tá·wag
pnr
:
nararating ng tawag.
á·bot-tu·bò
png |Bio |[ ST ]
:
pagdatíng ng unang regla ng babae.
a·bóy-a·bóy
png |[ Hil ]
:
duyan ng batà, karaniwang patadyóng.