ale
ale (eyl)
png |[ Ing ]
:
alak mula sa malt, matingkad ang kulay, at mapait kaysa serbesa.
Alecto (a·lék·to)
png |Mit |[ Ing ]
:
isa sa mga Puryas at may gampaning parusahan ang mga nakagawa ng krimeng moral, tulad ng poot sa kapuwa.
a·le·gó·ri·kó
pnr |[ Esp alegórico ]
:
ginagamitan ng alegorya.
a·le·go·rís·ta
png |[ Esp ]
:
tao na gumagamit ng alegorya.
a·le·gór·ya
png |Lit Sin |[ Esp alegoriá ]
1:
paglalarawan ng abstrakto o espiritwal na kahulugan sa pamamagitan ng kongkreto o materyal na anyo : ALLEGORY
2:
matalinghagang salaysay : ALLEGORY
a·lé·gro
png |Mus |[ Esp ]
:
mabilis na bahagi ng isang awitin o komposisyon.
A·le·han·drí·na
pnr |[ Esp alejandrina ]
:
tumutukoy sa iba’t ibang larang ng karunungan sa dáting Alexandria sa Egypt.
a·le·han·drí·no
png |Lit |[ Esp alejandrino ]
:
sa panulaang Español, uri ng taludturan na may 12 pantig, halaw sa sinaunang tula sa French tungkol kay Alexander ang Dakila na may gayong súkat : ALEXANDRINE
a·le·híl·yos
png |[ Esp alejillos ]
:
nilugaw na sebada.
a·le·lí
png |Bot |[ Esp ]
:
bulaklak (Cheiranthus cheiri ) na kulay lila, dilaw, o kahel.
a·le·lú·ya
png |Mus |[ Esp Lat Heb halaluyah ]
:
tugtúgin at awiting papuri sa Diyos bago basahin ang ebanghelyo : HALLELUJAH1
A·le·mán
pnr |Ant Lgw |[ Esp ]
A·le·mán·ya
png |Heg |[ Esp Alemania ]
:
baybay sa Tagalog ng Alemania.
alembic (a·lém·bik)
png |[ Ing ]
1:
aparato na ginagamit sa pagdalisay
2:
paraan ng pagdalisay.
aleph (á·lef)
png |Lgw |[ Ing ]
:
unang titik ng alpabetong Hebrew.
a·lér·dyik
pnr |Kol |[ Ing allergic ]
:
ayaw na ayaw ; kinasusuklaman.
a·lé·ro
png |[ Esp ]
:
nakausling gilid ng bubong.
a·lér·ta
png |[ Esp ]
:
babalâ o senyas hinggil sa dapat paghandaan.