amba
ám·ba
png |Mus |[ Agt Mbk ]
:
awit para sa seremonyang pangkasal.
Am·bá·boy
png |Mit |[ Igo ]
:
pangalan ng espiritung nakatirá sa mga banal na punò.
am·bág
png
1:
pagbibigay ng salapi, oras, kaalamán, o tulong kasáma ng ibang tao para sa kawanggawa : ABÚLOY1,
CONTRIBUTION,
KONTRIBUSYÓN,
OFFERING2,
SUSKRIPSIYÓN2,
TAPÓNG1
2:
anumang ibinigay para sa pangkalahatang pondo o suplay : CONTRIBUTION,
KONTRIBUSYÓN,
SUSKRIPSIYÓN2,
TAPÓNG1
3:
anumang orihinal na akda na ilalathala para sa isang magasin o publikasyon : CONTRIBUTION,
KONTRIBUSYÓN,
SUSKRIPSIYÓN2,
TAPÓNG1
am·bá·han
png |Lit |[ Man ]
1:
tradisyonal na tula ng Hanunuo Mangyan, karaniwang inaawit
2:
sinaunang tula o awiting-bayan na gumagamit ng sukat na pipituhin ngunit walang takdang bílang ang mga taludtod.
am·ba·láy·bay
png |Lit |[ Hil ]
:
padron ng saknong na may 14 taludtod na hinati sa dalawang saknong na tig-apat na taludtod at dalawang saknong na tigatlong taludtod Cf SONÉTO
am·ba·lí
png |Bot |[ Ifu ]
:
isang uri ng punongkahoy (Citrus mitis ).
am·bán
png
1:
[ST]
pakikipaglaban, pakikipagtunggali
2:
panggagaya o pagtulad.
am·báy
pnd |am·ba·yán, am·ba·yín, mag-am·báy |[ ST ]
:
ipitin ng dalawang braso ang isang payat para itaas.
ám·bay
png |[ Seb ]
:
manugang na babae.
am·bá·yaw
png |Lit Mus |[ Hil ]
:
awit ng pagpuri.