and
an·da·dé·ras
png |[ Esp ]
:
anumang pantulong sa paglakad ng isang pilay.
an·da·dór
png |[ Esp ]
:
pabilog na balangkas, ginagamit na gabáy ng batàng nagsisimulang lumakad : WALKER2
an·dál
pnd |an·da·lán, an·da·lín, i·an·dál, u·man·dál
:
sumiksik, makipag-agawan, o makipagtulakan.
an·dám·yo
png |Ark |[ Esp andamio ]
1:
pansamantalang estruktura na nagsisilbing salalayan ng mga manggagawa kung nagtatrabaho sa mataas na bahagi ng gusali : PÁLAPÁLA1
2:
tabla o kahawig na ginagamit na tulay : PÁLAPÁLA1
án·dan
png |[ Ilk ]
:
tulay na yarì sa kahoy.
an·dá·na
png |[ Bik Esp Hil Seb ]
1:
hatì o partisyong inayos nang sunod-sunod na pataas, gaya sa aparador o eskaparate Cf SÁRAY
2:
salansan ng kopra
3:
Ark
palapag ng gusali.
an·dán·te
png |Mus |[ Ing ]
:
piyesa o kompás na bahagyang mabagal ang daloy.
an·dan·tí·no
png |Mus |[ Ita ]
:
piyesa o kompás na higit na mabilis kaysa andante.
an·dáp
png
1:
2:
[ST]
pagkuráp ng mga matá.
an·dár
png |[ Esp ]
1:
2:
takbo ng isang mákiná, sasakyan, o aparato
3:
Kom
pag-unlad o pagsulong ng isang negosyo — pnd mag·pa·an·dár,
pa·an·da·rín,
u·man·dár.
án·das
png |[ Esp ]
:
pinalamutian at may baras na platapormang pinaglalagyan ng imahen ng santo, at pinapasan kung prusisyon : KALANDÁ1
an·dá·taw
png |[ Mar ]
:
líbot1-2 o pag-lilibot.
an·dén
png |[ Esp ]
1:
plataporma na nása estasyon ng tren
2:
bangketa o kalyeng may aspalto o kongkreto.
án·der
pnr |Kol |[ Ing under ]
:
nása ilalim.
án·der de-sá·ya
png |Kol |[ Ing under+ Esp de+saya ]
:
bana na nakapailalim sa nais ng maybahay : MANANDÉS
án·der·pás
png |[ Ing underpass ]
:
daan o lagusang nása ilalim.
an·di·rá, an·dí·ra
png |[ ST ]
:
táong mapang-uyam at mapanghimok na makipag-away.
án·do
pnd |an·dú·han, mag-án·do |[ War ]
:
simulan ang laro ; buksan ang mga baraha.
án·dot
pnd |an·du·tán, i·án·dot, mag-án·dot |[ ST ]
1:
ilagay ang tandang sa harap ng iba para makipaglaban : ANDÓL
2:
iumang para abutin ng iba Cf BENTÓT
an·dóy
pnd |an·du·yín, i·an·dóy, mag-an·dóy |[ ST ]
:
uguyín ang bagay na nakasabit.
androgen (án·dro·dyén)
png |BioK |[ Ing ]
:
anumang substance, natural o sintetiko, na kabílang sa mga sex hormone na nagdudulot ng mga katangiang panlaláki.
androgenesis (an·dro·dyé·ne·sís)
png |Bot |[ Ing ]
:
uri ng development na ang embryo ay mayroon lámang paternal na chromosome dahil hindi nakilahok sa pertilisasyon ang itlog.
androgynous (an·dró·dyi·nús)
pnr |[ Ing ]
1:
may katangian ng laláki at babae : HERMAPHRODITIC
2:
Bot
may stamen at pistil sa iisang bulaklak.
androgyny (an·dró·dyi·ní)
png |[ Ing ]
1:
pagiging androgynous
2:
pagiging hermaphrodite.
android (án·droyd)
png |[ Ing ]
1:
Com
sa malaking titik, ang sistemang pang-operasyon para sa mga smartphone, tablet, at katulad
2:
robot na anyong tao.
an·dro·pós
png |Med |[ Ing andropause ]
:
ang yugto ng pagbabâ ng produksiyon ng testosterone ng isang lalaki, at karaniwang nagaganap sa edad na 40 pataas.
An·dú·gon
png |Mit |[ Hil ]
:
diyos na nangangalaga sa bagong panganak na batà.
an·du·ká
png |[ ST ]
:
pagpapakain ng ibon sa mga inakay.
an·duk·hâ
png
1:
pagtangkilik o pagtatanggol sa tao na itinuturing na karapat-dapat sa awa at pagmamahal
2:
pagbibigay ng katutubòng kahulugan sa idea at salitâng hiram var andukâ — pnd an·duk·ha·ín,
i· án·duk·hâ,
mag-an·duk·hâ.
an·du·lán
png |[ ST ]
:
paglugas sa bulak sa pamamagitan ng pagsiksik nitó sa isang basket.
an·dú·rog
pnd |mag-an·dú·rog, u·man·dú·rog |[ Bik ]
:
makiisa sa damdamin, gaya sa “Nakikiandurog ako sa iyong pagdadalamhati. ”