cent
centimeter-gram-second system (sen·ti·mi·tér-gram-sé·kond sís·tem)
png |[ Ing ]
:
sistémang sentimétro-grámo-segundo.
Central Cordillera (sén·tral kor·dil·yé·ra)
png |Heo
:
bulubunduking may habàng 275 km mula sa gitnang Luzon túngo sa hilagang Luzon at Bundok Pulog ang pinakamataas na taluktok, 2,928 mula sa pantay-dagat.
Central Intelligence Agency (sén·tral in·té·li·dyéns éy·dyen·sí)
png |Pol |[ Ing ]
:
pangunahing ahensiya ng pamahalaan ng Estados Unidos sa pangangalap ng impormasyon, lalo na tungkol sa kaaway Cf CIA
Central Processing Unit (sén·tral pro·sé·sing yú·nit)
png |Com |[ Ing ]
:
mahalagang bahagi ng sistema ng computer na naglalamán ng network ng elektrisidad na kailangan upang magsagawa ng instruksiyon : PROCESSOR2 Cf CPU
century egg (sén·tyu·rí eg)
png |[ Ing ]
:
burong itlog ng mga Chino na nilagyan ng sangkap na pampaitim, karaniwang kinakain bílang pampagana.
century plant (sén·tyu·rí plant)
png |Bot |[ Ing ]
:
agave (Agave americana ) na walang tangkay at may mahabàng matinik na mga dahon, namumulaklak pagkaraan ng maraming taon at sakâ namamatay.