gol
gó·lang·gó·lang
png |[ ST ]
:
dampâ sa tabi ng bahay.
gold
png |[ Ing ]
:
gintô1 (atomic number 79, symbol Au ).
gold díg·ger
png |[ Ing ]
1:
manghuhukay ng ginto
2:
Kol
babae na ginagamit ang alindog upang kuwartahan ang mga laláki .
golden bamboo (gól·den bám·bu)
png |Bot |[ Ing ]
:
kauri ng kawayang kilíng (Bambusa vulgaris ) na kulay dilaw ang mga biyas at mga sanga at karaniwang pinatutubò bílang halámang ornamental.
golden shower (gól·den syá·wer)
png |Bot |[ Ing ]
:
malaki-laking punongkahoy (Cassia fistula ) na 10 m ang taas, at may mga bulaklak na matingkad na dilaw at nakakabit sa mahabà at tíla pendulong tangkay : CAÑA FISTULA
gól·den su·sô
png |Zoo |[ Ing golden Hil Seb Tag War susô ]
:
uri ng malaking kuhól na ginintuan at pink ang kabibe at pinalaganap para sa mabilisang produksiyon ng pagkain sa panahon ng rehimeng Marcos.
golden trevaly (gól·den tre·vá·li)
png |Zoo |[ Ing ]
:
malapandóng diláw.
gó·le·óy
png |Zoo |[ Ifu ]
:
manok na may guhit na itim at putî ang balahibo.
golf
png |Isp |[ Ing ]
:
laro na hinahataw ng club ang bola upang maibuslo sa siyam o labingwalong bútas na matatagpuan sa isang malawak na láruán.
gol·gól
png |[ ST ]
:
yukô o pagyuko.
Goliat (gól·yat)
png |Mit |[ Esp ]
1:
sa Bibliya, higanteng mandirigma at pambatò ng mga Palestino, napatay ni David sa pamamagitan ng saltik : GOLIATH
2:
sa maliit na titik, anumang tíla higante : GOLIATH
go·lob·hí
png |[ ST ]
:
paggalaw o anumang kilos na nagdudulot ng pagbabago var golorgí
go·ló·god
png |Mus |[ Kal ]
:
katutubòng biyolin.
gó·lok
pnd |go·lú·kan, gu·mó·lok |[ Hil ]
:
umungol ; bumulong-bulong.
go·lo·sí·na
png |[ Esp ]
2:
anumang munting bagay
3:
kaiga-igaya ngunit walang silbing bagay.
go·lót
png |Heo
1:
[Igo]
magkasudlong na bundok
2:
[ST]
hanay ng mga bundok.
go·lo·tóng
png |Bot |[ ST ]
:
magaspang na dahon na may mga umbok-umbok.
gól·pe
png |[ Esp ]
1:
paggamit ng dahas
2:
sa sugal, ang unang pangunahing kabig na salaping ibinibigay sa may-ari ng pasugalan Cf TONG1
gól·pe dé-gú·lat
png |[ Esp golpe de+ Tag gúlat ]
:
biglang pagpapamalas ng puwersa o abilidad.