higa


hi·gà

pnr |[ Seb ]
:
punô ng putik.

hi·gâ

png
:
posisyong pahaláng o nakalapat ang likod o ang buong bigat sa sumasalóng rabaw : HAYÁNG, HIGDÀ, KERÀ, TALINDÁTA, TIHAYÀ1, TIRÁKYANG Cf DAPÂ

hi·gà·an

png |[ higa+an ]
:
bagay o gamit sa paghiga at pagtulog : DÁTAG, HIHÍG-AN, KÁNTIR Cf BANÍG, KÁMA1, PÁPAG

hi·gáb

png
:
varyant ng hikab.

hi·gád

png
1:
Agr [War] dalátan1
2:
[Hil] tabí.

hí·gad

png |Zoo
1:
uod na maitim at may balahibong nagpapakatí kapag nadikit sa balát ng tao : ALIMBUBÚDO, ATATÁRO, IGGÉS2 var hígar Cf GUSÁNO, TÍLAS
2:
pangil ng mabangis na hayop.

hi·gád-hi·gá·ran

png |Bot

hi·ga·híd

png |[ ST ]
:
pagdaan nang hindi humihinto var higahír, higahód

hi·gá·his

png |[ ST ]
:
pagpipilit na mabuhat ang mabigat.

hi·ga·hód

png
:
varyant ng higahíd.

hi·gál

png |[ Hil ]

hi·gá·la

png |[ Seb ]

hi·gá·mit

png |[ ST ]
:
unti-unting pagkuha o paggamit sa mga bagay.

hi·ga·mót

png |[ ST ]
:
pagtatanggal ng mga ugat ng gabe o iba pang halámang-ugat.

hi·gán·te

png |[ Esp gigante ]
1:
Mit maalamat na nilikhang may anyong tao ngunit napakalakí at napakalakas : GIANT1, TAYARÁK
2:
anuman o sinumang napakalakí : GIANT1, TAYARÁK
3:
tao na hinahangaan sa kaniyang karera o larangan : GIANT1, TAYARÁK

hi·gán·tes

png |[ Esp gigante+s ]
:
malalakíng táka, karaniwan sa anyong tao at inilalahok sa parada kung pista.

hi·gan·tés·ko

pnr |[ Esp gigantesco ]

hi·gan·tí

png |pag·hi·hi·gan·tí
:
parusang kapalit ng naunang pinsala o pagkakasála : BALÉS1, BÁLOS, BALÓS, BENGGÁNSA, BITHÍ, GANTÍ3, GANTÍNG-PARÚSA, PATNÓ, RÉSBAK, RETRIBUSYÓN2, REVENGE, VENGEANCE Cf VENDETTA

hi·gan·tís·mo

png |Med |[ Esp gigantismo ]
:
abnormal na paglakí.

hi·gan·tón

png |[ Esp gigantón ]
:
laláking higante ; hi·gan·to·ná kung babae.

Hi·ga·ó·non

png |Ant
:
pangkating etniko na matatagpuan sa Misamis Oriental, Bukidnon, Silangang Agusan, at Kanlurang Lanao.

hi·ga·rà

png |[ War ]

hi·gá·tang

png
1:
kabayarang hindi salapi para sa pagtatrabaho
2:
bayad para sa isang gawain.

hí·gay

png
:
paglalakad nang may pagyayabang Cf GIRÌ, LINDÁG

hi·ga·yón

png |[ Hil Seb War ]
:
pagkakataong ibinibigay o ipinahihintulot.