ima
imagery (í·meyds·rí)
png |Lit |[ Ing ]
1:
produkto ng paglikha ng hulagway
2:
pinatinding paglalarawan ng mga tayutay.
Imagism (í·ma·dyí·sim)
png |Lit |[ Ing ]
:
kilusan sa panulaang Ingles noong 1910–1917 na nag-alsa laban sa Romantisismo at may layuning magkaroon ng malinaw na pagpapahayag sa paggamit ng mga eksaktong imahen.
imago (i·méy·go)
png |[ Ing ]
1:
Zoo
hulíng yugto sa paglakí ng kulisap ; pagkakaroon ng metamorposis
2:
Sik
ideal na larawan ng sarili o ibang tao.
i·ma·hi·nár·yo
pnr |[ Esp imaginario ]
1:
umiiral lámang sa imahinasyon : IMAGINARY
2:
Mat
may kaugnayan sa imahinaryo.
i·má·im
pnd |i·ma·í·min, mag-i·má·im |[ ST ]
:
tapusin ang ilang gawain.
Imallod (i·mál·yod)
png |Ant
:
isa sa mga pangkating etniko ng mga Apayaw.
i·mám
png |[ Ara “pinuno” ]
1:
titulo ng paggálang sa iba’t ibang pinunòng Muslim
2:
ang táong namumunò sa pagdadasal sa loob ng Masjid var íman
í·mam
png |[ Tag Ara Ind Mal ]
1:
tao na namumunò ng dasal sa masjid
2:
titulo ng iba’t ibang pinunò ng Muslim, lalo na ang matagumpay na hahalili kay Muhammad bílang pinunò ng Shiite Islam.
í·man
png |[ Ara ]
:
varyant ng imám2
I·mán·da·yá
png |Ant
:
isa sa mga pangkating etniko ng mga Apayaw.
i·máng
pnd |i·ma·ngín, mang-i·máng |[ ST ]
:
maliin o magkamali ang pagbílang.
i·máng-i·máng
png |Mus |[ Tua-Dus ]
:
ritmo ng pinakamababàng kulintang.
í·mas
png |[ Ilk ]
:
saráp1 ; linamnám.
i·mát
pnd |[ Bik ]
:
magmasid ; subaybayan.
imax (áy·maks)
png |Sin |[ Ing ]
:
teknik sa malakíng iskrin ng sinematograpiya, lumilikha ng larawang halos sampung beses ang lakí sa istandard 35 mm film.
i·má·yo
png |[ ST ]
:
mabaho o mabangong amoy ng bagay na hawak sa kamay.