kamay


ka·máy

pnr
:
gámay, karaniwan sa paghawak ng gamit o kasangkapan Cf bihasâ, sanáy

ka·máy

png
1:
[Hil ST] Ana dulong bahagi ng bisig ng tao at lampas sa galáng-galángan, kabílang ang mga daliri : alíma2, gámat3, hand1, íma, limá, kamót, kamúlmog, máno1 Cf pakikipagkamay
2:
[ST] paggawâ ng isang bagay na gumagamit ng kamáy, hal pagkakamáy sa pagkain, pakikipagkamáy, likhang-kamáy, at iba pa ngunit ang mahabàng kamáy ay idyoma para sa magnanakaw
3:
Med [ST] pagkirot ng kamáy dahil sa labis na trabaho, mula rito ang nangangámay
4:
Zoo sa ibang ha-yop, ang dulong bahagi ng galamay at ginagamit din bílang paa
5:
ang bahagi ng relo na nagtuturò ng oras
6:
manggas ng damit.

ka·má·ya

png |Bot |[ Iva ]

ka·má·yan

png |[ kamay+an ]
1:
pook para sa pagkain na gumagamit ng kamay
2:
pagkakataon para sa pag-dadaop ng mga palad ng mga tao bílang pagbabatian o pagpapakíta ng pagkakaibigan.

ka·máy·do·ré·a

png |Bot |[ Ing chamae dorea ]
:
palma (Chamaedorea elegans ) na tuwid at kumpol-kumpol, baling-kinitan ang punò, hugis panà ang matingkad na lungting dahon, at bilóg na maliit ang bunga, katutubò sa Mexico at kamakailan lámang ipinasok sa Filipinas : parlor palm

ka·ma·yín

pnd |[ kamay+in ]
:
magka-may o gumamit ng kamay.

ka·máy·ma·yán

png |[ ST ka+maymay +an ]

Ka·ma·yó

png |Ant Lgw
1:
pangkating etniko na matatagpuan sa Agusan del Norte at Surigao del Sur
2:
ta-wag din sa wika nitó.

ka·máy-pu·sà

png |Bot

ka·may·sá

png |Bot
:
varyant ng makaysá.