mara
marabou (má·ra·bú)
png |Zoo |[ Ing ]
:
malakíng stork (Leptoptilos crumeniferus ) sa hilagang Africa.
marabout (má·ra·bú)
png |[ Ara murabit ]
1:
Mus
lim na ermitanyo o monghe sa hilagang Africa
2:
monumento na katatagpuan ng libíngan nitó.
ma·rag·sâ
png |Gra
:
paraan ng pagbigkas ng salitâ na katulad ng mabilis ngunit may impit sa hulíng patinig, hal salitâ, salapî, larô.
ma·rá·han
pnr |[ ma+dáhan ]
ma·ra·hás
pnr |[ ma+dahás ]
ma·rá·hil
pnb |[ Kap Tag ma+dahil ]
ma·ra·i·núg-as
pnr |[ Ilk ]
:
kulay ng pinaghugasan ng bigas o ng tubig-bahâ kapag lumilinaw na.
ma·rá·kas
png |Mus |[ Esp maracas ]
:
instrumentong bilog na kinakalog at may mga butil sa loob.
ma·rál
png |Zoo |[ Seb ]
:
panggabing mammal (Felis minuta ) na malakí nang kaunti sa karaniwang pusa.
ma·rá·lag
png |[ ST ]
:
ginto na pinakamababà ang uri.
ma·ram·dá·min
pnr |[ ma+damdam+ in ]
1:
mabilis tablan at magpakíta ng damdamin gaya ng hiya, galit, at lungkot ; tigib sa matinding damdamin : ARSAGÍD,
EMÓSYONÁL2,
SENSITÍBO2 Cf TALUSALÍNG
2:
may mabilis na pag-unawa o pagpapahalaga sa damdamin ng iba.
ma·rá·mi
pnr |[ ma+dami ]
ma·rá·mot
pnr |[ ma+damot ]
Ma·ra·náw
png |Ant
:
pangkating etniko na matatagpuan sa paligid ng lawa ng Lanao at kapatagan ng Bukidnon at Lanao : HILOÓNA var Maranáo
má·rang
png |Bot
:
punongkahoy (Artocarpus odoratissimus ) na hindi kalakíhan, sálítan ang makikintab na dahon, habilog ang bunga, at malamán ang pulp na may matinding amoy, katutubò sa Filipinas at marami sa Mindanao.
ma·ra·ngál
pnr |[ ma+dangal ]
:
punô ng dangal o karapat-dapat parangalan : ILÚSTRE,
MAHÉSTUWÓSA,
MAJESTIC,
ONRÁDO
ma·rang·máng
png |[ Ilk ]
:
unahán, unang linya o unang hilera.
ma·rá·pat
pnr |[ ma+dapat ]
:
angkop na katumbas sa laki, uri, o antas, hal marapat na bayad sa serbisyo, marapat na gantimpala sa uri ng produkto : COMMENSURATE
ma·ra·pón
png |[ ST ]
:
kumot na dalawa ang kulay.
má·ras
png |[ Ted ]
:
pag-aalay ng pagkain sa mga espiritung nangangalaga sa mga pinutol na punongkahoy sa pagkakaingin.
ma·rá·sa
pnr |[ Bik ]
:
sambit ng pagkagulat o pagkasorpresa.
ma·ra·sá·mas
png |Heo |[ Ilk ]
:
buhaghag na lupa.
ma·ras·ca (ma·rás·ka)
png |Bot |[ Ita ]
:
ilahas na cherry (Prunus cerasus marasca ) na may maliliit na bungang nagagawâng alak.
maraschino (ma·ras·kí·no)
png |[ Ita ]
:
matamis na alak, gawâ mula sa marasca.
marasmus (ma·ráz·mus)
png |Med |[ Gri marasmós ]
:
pangangayayat at panghihinà nang walang matukoy o tiyak na dahilan, karaniwan sa mga sanggol.
ma·ra·ta·bát
png |[ Mrw ]
:
dangál o labis na pagpapahalaga sa dangal na malimit humantong sa mahabà at madugong alitan ng mga pamilya.
marathon (má·ra·tón)
png |Isp |[ Ing ]
1:
paligsahan sa pagtakbo, karaniwang 42–195 km
2:
alinmang malayuang karera o paligsahan na sumusubok sa tibay ng katawan ng mga kalahok.
Ma·rá·wi
png |Heg
:
lungsod sa Lanao del Sur at kabesera ng lalawigan.
ma·ra·ya·pá
png |Bot |[ ST ]
:
isang uri ng halaman.
ma·rá·yaw
png |[ Mns ]
:
sagradong ritwal para sa pagtataboy ng masasamâng espiritu.