taingang-daga
ta·i·ngáng-da·gâ
png |[ taínga+ng+ daga ]
1:
Bot
uri ng kabute (genus Auricularia ) na matatagpuan sa mga patáy na kahoy, nakakain, at karaniwang inihahalò sa pansit : KULAKDÓP
2:
Bot
gumagapang na yerba (Oxalis repens ), may bulaklak na kulay dilaw, lima ang talulot, at may bungang mabalahibo at tíla kapsula, natatagpuan sa lahat ng mainit na pook sa daigdig : DARAÍSIG,
MALABALÚGBUG-DAGÍS,
MARASÍKSIK,
PÍKHIK
3:
Med
salíngsing1