palan
pa·lán
pnd |mag·pá·lan, i·pá·lan |[ ST ]
:
ilagay ang butil ng palay sa ibabaw ng tinilad na kawayan pagkaraang basain para tubuan ng ugat.
Pa·la·nán
png |Ant
:
pangkating etniko na matatagpuan sa Palanan, Isabela.
pa·lá·nan
png |[ ST palan+an ]
:
pook para sa pagpapalan.
pa·lá·nas
png |Heo |[ Ilk Kap Pan Tag ]
1:
malawak na kapatagan
2:
pook na maaliwalas
3:
baybayin ng ilog na mabato.
pa·lan·dós
png |[ ST ]
:
itsura matapos tanggalan ng palamuti.
pa·la·nga·páng
png |[ ST ]
:
pagsambit ng masasamâng salita nang hindi nahihiya.
pa·lá·ngas
png |[ pa+langas ]
:
pagpapakita ng kunwa-kunwaring tapang.
pa·lang·bó
png |[ ST ]
:
matraka na ginagamit na pambugaw ng mga ibon.
pa·lang·gá·na
png |[ Esp palangana ]
:
pabilóg at mababaw na sisidlan ng tubig at iba pang likido : BASIN1,
DUDULÁNGAN,
PANASTÁN1 var planggána Cf BANYÉRA,
BATYÁ
pa·láng·ga·ní·ta
png |[ Esp palangana+ita ]
:
maliit na palanggana.
pa·lang·gá·pang
png |[ ST ]
:
walang pangingiming paglait o paglibak sa isang tao.
Pa·la·ngí·yi
png |Mit |[ ST ]
:
hinihinuhang pangalan ng isang sinaunang Tagalog na hari.
pa·láng·ka
png |[ Esp palanca ]
2:
bareta de-kabra
3:
[Ilk]
uri ng upúan na naikikilos var plangka
pa·láng·kin
png |[ Esp palanquin ]
pa·la·ngó
png
:
kalantog na bumbong at ginagamit na pantakot sa mga ibon at hayop.
pa·lang·páng
png |[ ST ]
:
paghampas nang malakas at tuloy-tuloy.
pa·lan·sák
png |Gra |[ pa+lansák ]
:
pangngalang palansak.
pa·lan·tá·yan
png |[ pa+lantay+an ]
:
piraso ng kahoy o kawayan na pansuhay sa papag o hapag.
pa·lan·tî
png |[ ST ]
:
lubid o tali na ipinanghihigpit sa puluhan ng pangkatas ng langis sesame.