papa


pa·pá

png |[ Esp ]

pa·pá-

pnl
:
ginagamit sa pang-uri upang ipahiwatig na patúngo sa isang pook o kalagayan ang gina-gamitan ng pang-uri, hal paparito, papatay, paparami.

pa·pà

png
1:
[ST] bahagi ng kumot
2:
[ST] pagpilas ng dahon ng gabe hang-gang sa balát
3:
Ark [ST] bahay na mababà ang bubong at kaunti ang daloy ng hangin
4:
Zoo pukyot (Apis mellifera ) na nag-iipon ng pulut
5:
Kol [Bik Hil Seb Tag War] tawag sa pagkain ng mga batàng bago pa lá-mang nakapagsasalita.

pa·pâ

pnr
:
mababà at sapád.

pá·pa

png
1:
Zoo uri ng susô (Telesco-pium telescopium ) at hugis balisung-song : BARÚNGON
2:
talukab ng kabibe na hugis kono o apa
3:
[Bik Kap Seb Tag] karaniwang súkat ng lápad ng tela
4:
[Ing] itay.

Pá·pa

png
:
obispo ng Roma at kataas-taasang pinunò ng simbahang Kato-liko Romano : POPE

papacy (péy·pa·sí)

png |[ Ing ]
1:
opisina o panunungkulan ng Papa
2:
sistema ng panunungkulan ng Papa.

pa·pág-

pnl
:
karaniwang ginagamit kasáma ang hulaping –in o –hin sa pandiwa upang mangahulugang pahintulutan o ipagawâ sa isang tao ang isang bagay, hal papág-aralin, papagtrabahuhin.

pá·pag

png
:
parihabâng higaan na karaniwang yarì sa kawayan : BANTA-YÁW, LÁNTAY1

pa·pa·gá·yo

png
1:
Zoo [Esp] uri ng loro (order Psittaciformes ) na maha-bà at makulay ang balahibo
2:
saranggolang hugis ibon.

papain (pa·péyn)

png |Bio |[ Ing ]
:
enzyme na tumutunaw ng protina mula sa hilaw na papaya, ginagamit sa pagpapalambot ng karne o bílang suplemento para sa mabilis na pag-tunaw ng pagkain.

pa·pa·ír

png |[ ST ]
2:
pantakot ng mga ibon.

pa·pa·i·rín

png |[ ST ]

pa·pá·it

png |Bio |[ Ilk pa+pait ]

pa·pa·í·tan

png |[ Ilk pa+pait+an ]
:
putahe ng lamanloob ng báka o kam-bing, sinangkapan ng bawang, luya, apdo, at iba pang pampalasa.

pa·pák

png |[ Tsi ]
:
pagkain ng ulam nang walang kasabay na tinapay o kanin : ÁNYAN, ÁSAY1, INANÁN, LÁNLAN, LÁS-AY, NGALÚNUS — pnd mag·pa·pák, ma·ma·pák, pa·pa·kín, pu·ma·pák.

pa·pa·ká·sil

png |[ Pan ]

pa·pá·kol

png |Zoo |[ Ilk Tag ]
:
malaki-laking isdang-alat (family Balistidae ), sapad ang katawan, may mahabàng nguso, at mga matá na nása gawing tuktok ng ulo : AMPAPÁGOT, PÁKOL, PÚGGOT, SUBAGYÓ, TRIGGERFISH

papal (péy·pal)

pnr |[ Ing ]
:
hinggil sa Papa o papacy.

pa·pa·lag·wáy

png |Zoo |[ Mrw ]

pa·pa·lá·san

png |Ana |[ Kap ]

pa·pa·líd

png
:
uri ng balyan na kaka-iba sa pangkaraniwan.

pa·pál·sis

png |Bot
:
palumpong na balót na balót ng maikli, abuhin, at mamutî-mutîng bulo, taluhabâng tu-lís ang dahon na tíla ngipin ang pina-kagilid, muràng lila ang bulaklak, at malamán ang mabughaw bughaw na bunga : TAMBALÁSI, TIGÁW

pa·pa·lú·ngin

pnr |[ ST pa+palong+in ]

pa·pál·wan

png |Ana |[ Kap ]

pá·pan

png |[ ST ]
1:
patpat na may mga ngipin sa dulo na ginagamit pang-habi
2:
Zoo ilahas na pato.

pa·páng

png |[ Esp Tag papa+ng ]

pa·páng-at

png |[ Kal ]
:
varyant ng pang-at.

pa·páng-a·wín

png |Zoo
:
uri ng ali-mango o alimasag.

pa·páng-ú·sin

png |Bot |[ pa+pang-os+in ]
:
uri ng tubó na makinis, maka-tas, at matamis ang lamán.

pa·pá·nok

png |Zoo |[ Mrw Mag ]

pa·pan·tíg

pnb |Gra |[ pa+pantig ]
:
sa paraang binibigkas o pinag-aaralan ang isang salita sa pamamagitan ng mga pantig.

pa·pá·pa·ngi·tá

png |[ ST ]
:
paghulà sa pamamagitan ng kung ano ang naki-kíta sa kalangitan.

paparazzo (pá·pa·rát·zo)

png |[ Ing Ita ]
:
freelance na potograpo na naghahabol ng mga celebrity upang makakuha ng retrato.

pa·pa·ró

png |Zoo
1:
[Esp] malakíng uri ng gamugamo
2:
kung minsan var-yant ng paruparo.

pa·pás

pnr
1:
Ark mababà o halos pátag ang balangkas ng bubong Cf PAPÂ
2:
napatag o bumagsak sa lupa dahil sa bagyo o malakas na hangin, karaniwang tumutukoy sa paláyan, tubuhán, at katulad.

pá·pas

png |[ Esp ]
1:
Kol pinaikling anyo ng patatas1
2:
sabaw na matabang na ipinapakain sa mga paslit.

pá·pa·táy-pá·tay

pnr |[ pa+pátay-pátay ]
:
mabagal kumilos o magpa-siya.

pa·pa·tò

pnr |[ Mrw ]

pá·paw

png
1:
2:
Zoo patong bundok (Philippine Mallard ) na bughaw ang pakpak at palong.

pa·pá·win

png |Bot |[ ST ]
:
uri ng mang-gang paho.

pa·pa·wi·rín

png |[ Kap Tag pa+pawid+ in ]

pá·pay

png
1:
[Ilk] pag-ihi sa banig
2:
Kol tawag ng batà sa tinapay.

pa·pá·ya

png |Bot |[ Ilk Kap Seb Tag Esp-AmI akinto otomac papai ]
1:
maliit na punongkahoy (Carica papaya ) na tuwid at walang sanga ang bunged, at may bunga na parang globo at maliliit at itim ang butó : KABBÁNO, KAPÁYAS, KAPAYÁS, TAPÁYAS
2:
ang bunga nitó : KABBÁNO, KAPÁYAS, APAYÁS, TAPÁYAS

pá·pay-á·so

png |Bot
:
yerba na tíla ber-dolaga.

pa·pá·yo

png |Zoo |[ Ilk Tag ]
:
uri ng maliit na ibong humuhuni tuwing bukang-liwayway.

pa·páy·to

png |Say Tro |[ Ifu ]
:
pagta-tanghal na ginagaya ang kilos at paglipad ng ibon, karaniwang sa saliw ng gangsa : BUMBÚWAK, BURBÚDSIL